Chapter 27

716 24 1
                                    


"Did Mad just freaking shout at me?"

Lahat tumango. Mabilis humarang si Drax sa daraanan ni Aiea nang akmang pupuntahan nito si Mad sa kusina. Nasigawan ito ng asawa niya sa hindi nila alam na kadahilanan pagkatapos tikman ng huli ang pagkain para sa kanya.

"Ikaw," tinuro siya ni Aiea, hindi na maipinta ang mukha nito at napagtanto niyang hindi na nga ito bata. "Tumabi ka kung ayaw mong ikaw ang pagbuntunan ko kaysa sa asawa mo!"

Hinila ni Raise ang laylayan ng suot nito. "Kumalma ka nga. Para namang ngayon ka lang nasigawan ni Mad."

"Mukha bang ang tipo ko ang nagpapasigaw lang?" pangagalaiti nito. Idinipa niya ang mga braso nang wala itong balak magpapigil. "Sinabi nang-"

"Ate Aiea, sa'kin ka na lang magalit at pagpasensyahan mo na si Maria Dave. Ako naman ang dahilan kaya..."

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "No. Dahil ang batang gaya ni Mad ay kailangang pagsabihan. Wala siyang respeto sa mas matanda sa kanya-"

"There's really something in it Aiea," singit ni Shana pagkatapos sumubo ng pirasong nasa plato. Nakitikim na rin ang iba. "Sigurado ka bang wala kang nilagay? May nalalasahan akong cream at butter." Tumango ang iba.

"Shana, naging chef ba ako para hindi marunong sumunod sa instruction? Nang sinabing 'wag lagyan ng kahit na anong dairy products, ibig sabihin wala akong ni-" Kusang natigilan si Aiea. She dipped her pinky on the sauce and tasted it. Ngumisi ito. "Meron nga." Mabilis na nagtago ito sa likuran niya nang nagkanya-kanyang pulot ng table napkin ang mga kaibigan nito at itinapon sa direksyon nito.

"May pa-chef-chef ka pa. Tumatanda ka na talaga," ani Raise na ikinatawa nila.

"Malay ko ba. Hindi ko naman ngayon lang ginawa ang sauce," nakangusong sabi ni Aiea at binalingan siya. "Sorry, Drax."

"Okay lang, Ate." Nakahinga siya ng maluwag at bumalik sa kinauupuan. "Pagpasensyahan mo na lang ulit si Maria Dave. Na-trauma lang iyon nong inatake ako ng anaphylaxis kaya masyadong nakamata sa kinakain ko."

"Anong klaseng sakit iyon?"

"It's a severe allergic reaction, Krit," sagot ni Raise at hinampas si Aiea sa kamay. "You should have been more careful. Kung nakain iyon ni Drax, it can be life threatening kung inatake siya ulit."

"Sorry na nga."

Tumango lang siya kay Aiea at ngumiti. "Okay lang talaga, Ate. Ako nga dapat ang unang nakabantay sa kinakain ko. Sadyang pagdating sa sarili ko, masyado akong carefree dahil na rin may ibang nagbabantay ng kalusugan ko maliban sa'kin."

"Teka, kung alam mong may allergy ka, bakit nakakain ka pa rin? Sino ang nagluto nun? Nasa restaurant kayo?" tanong ni Alhe.

Umiling siya at sinulyapan ang pintuan ng kusina. "Sa bahay lang. 'Yong pizza na ginawa ni Maria Dave." Kumunot ang noo ng mga ito. Bumuntong-hininga siya nang maalala ang pag-iyak ni Mad. "Madaling araw iyon nang mag-crave siya ng pizza. Sinamahan ko siya sa kusina kasi gagawa raw siya. Dahil natuwa ako sa kwentuhan namin, nakaligtaan ko nang e-check kung anu-ano 'yong nilagay niya. Hindi ko naman kasi ginagawa talaga ang ganon na itatanong pa ang mga ingredients. Huli na nang maramdaman kong hindi na ako makahinga. Nakaubos na ako ng isang buong pizza."

"Kasalanan mo rin naman pala," ani Aiea. Sinamaan ito ng tingin ng mga kaibigan nito kaya mabilis itong nag-peace sign.

"I know. Nasanay din kasi ako na ang lahat nang nakahain sa akin pwede ko nang kainin. That time, hindi pa alam ni Maria Dave na may allergy ako kaya hayun."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now