Prologue

895 75 104
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


He was just threatened but it was too late when you realized it.

Why? Why do I feel like I'm cursed? Was loving you wrong?

Dahil ba...sa hindi inaasahang mangyari?


"If destiny doesn't want us to be together, hayaan mo siya! Hindi siya ang importante dito, this whole thing is about us!"


"You have the ability to love yourself without needing anybody at all."


- - -

IVONE'S POV.


"Susunduin ba tayo nung mga yun?" Inis na tanong sa amin ni Zyle, bestfriend ko. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya. Bumaling naman siya kay Kenzi, bestfriend namin.


"Ewan, baka mamaya pa napagalitan nanaman yun nung Sir nila!" Inis ngunit may bahid na pag-aalala sa mukha niya.


Kanina pa kasi kami naghihintay dito sa loob ng classroom. Ang rules kasi ay kapag hindi pa kami nakakalabas ng room ay hindi rin maaaring makalabas ang mga kaklase namin na ngayon ay alam kong gutom na dahil kanina pa snack break! Nasaan na kaya yung mga yun? Tsk!


'Napakalupet kasi ng rules...Tss..'


"Kung nagpapasaway naman yung dalawa ay tama lang sa kanilang pagalitan sila ng Sir nila o Ma'am nila.." Walang emosyong sagot ko sa kanila.


~> KNOCK! KNOCK! <~


'Waaaaaaahhh! Sila Javeeeeeen!'

'Omyghaaad ang gwapo ni Zerooo!'

'I looove youuu!'

'Finally we can eat! Yehheeeyyyy!'


Napatakip ako sa mga tenga ko dahil sa lakas ng tilian at sigawan ng mga kaklase ko. Akala mo naman may dumating na artista...Tss. Pinagmasdan ko ang paglapit nung dalawa kay Zyle at Kenzi. Si Zyle ay nakasimangot habang si Kenzi ay nakangiti na halos hindi mo na malaman kung nakapikit na ba siya o ano.


"Bakit ang tagal niyo naman?" Sigaw ni Zyle. Bakas naman sa mukha ni Javen ang pagkagulat.

"May inasikaso lang po..." Parang batang sagot sa kaniya ni Javen. Wrong move ka, 'pag ganyang galit si Zyle ay dapat hindi mo binibiro. Tsk!

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon