Chapter Five

235 56 10
                                    

ZERO'S POV.



Pagkalabas namin ng ospital ay dumeretso na kami ni Kenzi sa kotse ko. Hindi ako mapakali sa iniisip ko. Shit. Maraming tanong ang nabubuo sa isipan ko gaya ng, bakit nila ginawa 'yon? Bakit nagkaroon muli ng bullies ang SIU? Bakit si Ivone pa? Tsk! At lahat ng yan ay hindi man lang masagot-sagot! Pero hindi ako mapapagod na maghanap ng kasagutan alang-alang sa kaibigan namin.



"I'm really worried, Kenzi." Bulong ko kay Kenzi ng makasakay na kami sa kotse.


"Me too." Aniya. "I'm worried for Ivone." Tumingin siya sa akin. Mapupungay ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak niya kanina. "Any ideas about the guys?" Pagtukoy niya do'n sa mga humampas kay Ivone.


"I don't have any, yet." Bumuntong-hininga ako. "Pero tutulong ako sa Lolo niya sa paghahanap kung sino ang gumawa niyan kay Ivone, I want to help."



Hindi siya sumagot sa halip ay binigyan niya ako ng ngiti. Ang ngiting nagpahulog sa akin. Naalala ko tuloy no'ng una kaming nagkita. Nasa park ako nun at hindi ko inaasahan na naroon din siya, may parang program kasi do'n na kung saan ay Jail Booth kung tawagin, ipoposas sa'yo ang napili nilang ka-match mo. Kaming dalawa ni Kenzi ang naposas, ang rules ay kailangan tatlong oras na magkaposas, at syempre, dapat ay nag-uusap kami. Ganun ang ginawa namin hanggang sa makilala ko na siya.



Natapos ang gabing 'yon at wala na akong koneksyon sa kaniya. Tinry kong hanapin ang pangalan niya sa Facebook, natunton ko naman 'yon. Hanggang sa malaman ko na sa SIU siya nag-aaral, naging magkaibigan kami, then one day, I've realized that...I love her.



Mabilis kaming nakarating sa school at dumeretso kaagad kami sa gymnasium. Maraming estudyante dito gaya ng inaasahan ko at nasa entablado ang Lolo ni Ivone kasama ang mga punong guro ng bawat subject. Naroon din ang mommy ni Ivone na nakatingin sa amin, niyayaya kami nito sa taas.


"Goodmorning, SIU. I know that all of you know what happened to my grand-daughter, ICDI. I am dismayed by the behavior displayed by these students." Tumingin siya sa dalawang lalaki na nakatayo sa gilid.


Nakaramdam agad ako ng galit.


"Of course, as their punishments, they will have two weeks of suspension according to the rules and regulations of the school. Mr. Paras and Mr. Avilla, make sure that tomorrow, we'll see you together with your parents at my office, maliwanag?" Maawtoridad na sinabi ni Dean. Nakatungong tumango ang dalawang lalaki.


"I cannot believe that bullying happened again." Naglabas ng malalim na buntong-hininga ang Dean. Tumingin ako sa mga estudyante. "Sana...sana ay matigil na ito, this is going to ruin your lives, our lives. Stop bullying, students. Walang maidudulot na maganda ang ginagawa niyo, kahit man hindi niyo pa ginagawa, ay please, 'wag niyo nang subukan. Ako na mismo ang humihingi ng pabor. That's all, SIU. Go back to your classes."


"Yes, Dean." Utas ng mga estudyante. Iginayak sila ng mga assistant at ibang guro papalabas, kaming mga nasa stage ang natira sa gymnasium.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon