Chapter Forty - Two

79 17 0
                                    

IVONE'S POV.



Natapos ang klase at napagdesisyonan namin ni Zayden na lumabas. Dala-dala niya ang kaniyang kotse, doon kami sumakay. Well, actually, dala ko rin ang kotse ko pero since ihahatid niya naman ako pauwi, iniwanan ko na lang sa area ko iyon. May guwardya naman para magbantay.


Hindi rin sinabi sa akin ni Zayden kung saan kami pupunta. I'm not assuming something but I think he planned this whole thing out. Napansin ko kasi kanina nung lunch namin ay may ka-call siya, maybe hindi niya napansin na naka-speaker ang phone kaya naririnig ko na lalaki ang nasa kabilang linya. Naalala ko pa ang sinabi niyang, 'Basta, make sure everything's ready.' Kaya ngayon, pakagat-kagat ako sa labi ko at hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o excited lang talaga. At isa pa, ang daan na tinutungo namin ngayon ay papunta sa isang resort.


OMG. Maybe he planned... DINNER AT THE BEACH!


"Babe." Tawag ni Zayden sa akin.


Tinignan ko naman siya. Jesus Christ! Bakit hindi siya nakatingin sa daan! Ilang segundo yata akong nahinto. Mabuti na lang at tumingin na siya, siguro ay napansin niya akong nagulat sa ginawa niya. Of course, sino ba namang tao ang hindi magugulat?


"Bakit?" Tanong ko.


"Wala naman. I just thought of something. Kung ligawan ko kaya ang mga De Irio? You know... para na rin mapatunayan ko ang sarili ko. What do you think?" Aniya.


Liligawan niya ang pamilya ko? Oh shoot. Ito yung mga napapanood ko sa teleserye! Yung pati ang mga magulang ng girlfriend ay bibigyan ng rosas, especially yung nanay! Halaaaa!


"P-Pwede naman. Kung iyon ang sa tingin mong mas makakabuti."


Nagkibit-balikat siya. "Well, wala namang masama kung susubukan ko, hindi ba? I think I'll start tomorrow." Aniya na ikinalaki ng mata ko.


"Ha? Bukas agad?" Gulat kong tanong, tumango naman siya. "O-O sige." Nasabi ko na lang.


Lumiko kami sa kanan. Mukhang tama ang hinala ko! Papunta 'to sa Aphrodite Resort! Balita ko, dito kadalasang ginaganap ang mga kasalan at mga date ng iba't ibang magkasintahan, the place is famous too. But I did not expect that he would be bringing me here! But... I won't assume, may kalapit din kasing restaurant ang resort so baka doon lang kami (pero syempre, mas gusto ko sa Aphrodite). Halos magtatatalon ako sa kasiyahan dahil alam niyo kung bakit? Sa tapat mismo ng Resort siya tumigil! Dream come true!


"We're here." Aniya. Kahit madilim ay nakikita ko ang mga mata niyang nakangiti rin. Wala akong naisagot dahil gulat pa rin ako. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tumapat na siya sa pintuan ng kotseng malapit sa akin at binuksan iyon. I could almost die!


Now this is what I call a date.


"Tara?" Wika nito at inilahad ang braso. I smiled as I take it. Sabay kaming umakyat ng hagdan at ang mga staff ay nakatingin lang sa amin. I have to admit, dito pa lang ay kinikilig na ako.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now