Chapter Thirty - One

97 11 2
                                    

IVONE'S POV.



Pagkaalis ni Zayden ay dumeretso na kami sa clinic. Tahimik lang kaming naglalakad dalawa, ayaw ko ring magsalita. Tinignan ko ang wrist watch ko at lunch break na pala kaya siguro dumarami na ang estudyante sa labas.


Karamihan pa nga ng estudyante ay nakatingin sa amin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Alam ko rin na pinag-uusapan nila ako. Wala na akong nagawa kundi ang tumungo na lamang at iwasan ang presensya nila. Ngunit sa pagtungo ko ay bigla na lamang nagtubig ang mga mata ko, nagsimula nang lumabo ang paningin ko dahil sa luha na hindi pa tumatakas.


Why are you doing this to me? Bakit ba lagi mo na lang akong sinasaktan? Why keep on hurting me gayong hindi naman kita sinasaktan? Ang unfair lang kasi, eh! Yung maganda-ganda na ng pakiramdam mo, bigla niyang babaguhin!?


Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kung naiinis ba ako o nasasaktan ako...nasasaktan na naman ako at dahil ulit 'yon sa kaniya.



"Ano pong nangyare sa--"


"Sinapak, malamang." Pambabara ko sa nurse na akala mo ay tatamad-tamad kung magsalita. "Alam mo, miss, kung tinatamad ka, then go home!" Naramdaman ko ang mga kamay ni Shark na pumipigil sa akin.


"P-Pasensya na po, ICDI." nakatungo nitong aniya. Bumuntong-hininga lang ako sa kaniya.


"Do your job as a nurse. We still have classes," wika ko sabay upo do'n sa kama. Umupo na rin si Shark sa tabi ko. Umalis na ang nurse, siguro ay kukunin niya ang medicinal kit.


"Ang sungit mo ngayon," aniya.


"It's just... Aish!"


"I heard what he said. I told you, he still loves you. Are you gonna go back to him?" nag-aalinlangan niyang tanong dahilan para mapatingin ako sa kaniya.


"Bakit mo naitanong?"


"Nothing. Iyon lang ang nararamdaman ko. You look so affected." He sighed.


"I'm not. Natuto na ako sa mga panlolokong ginawa niya sa'kin." Nakangiti kong aniya. Tumango namn siya. "Hindi mo nabanggit na magpinsan pala kayo? How come?"


"His father is my mother's brother. That's why were related." Nakatingin siya sa kisame. Napansin ko ang sugat nito but I didn't bother asking about it.


"Nagpupunta rin ba siya sa lugar niyo?" I can't stop myself from being curious.


"Yup, actually, mas madalas siya do'n kaysa sa'kin. But 'till he started studying here, hindi na siya kailanman bumisita."


Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon