Chapter Twenty : The Party pt. 3

137 19 11
                                    

IVONE'S POV.



Hindi ko malaman kung maiiyak ako dahil gusto ko siyang yakapin o maiiyak ako dahil sobrang saya ko at hindi ako makapaniwalang nandito siya. Honestly, hindi pa rin talaga ako makapaniwala at wala akong pakialam kung paulit-ulit kong sabihin na hindi ako makapaniwalang naririto siya. Parang may kung ano sa loob ko na sinasabing maglakad papunta sa kaniya at yakapin siya, but I don't wanna ruin his performance. Once na marinig ko ang boses niya, it gave me dozens of goosebumps. Isa lang ang masasabi ko, maganda.


(Pasingeeeeet! XD Lyric video is on the media! Continue reading! ^_^)


I'm only one call away

I'll be there to save the day

Superman got nothing on me

I'm only one call away



Gusto kong mainis sa mga babaeng kanina pa tili ng tili habang kumakanta si Zayden sa harapan pero anong magagawa ko? Tama sila, maganda nga ang boses niya at napakagwapo niya ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ang ngiti sa aking labi. Kinikilig ako dahil pakiramdam ko ay sa akin siya nakatingin. Oo, sa akin nga siya nakatingin.


Call me, baby, if you need a friend

I just wanna give you love

Come on, come on, come on

Reaching out to you, so take a chance


Mas lalo yatang lumaki ang pagkakangiti ko ng ipagdiinan niya ang salitang baby pero hindi naman iyon nakasira sa kaniyang pagkanta. Sa sobrang ganda ng pakiramdam ko ay hindi ko mapigilang magtanong sa sarili ko...what the hell am I feeling?


No matter where you go

You know you're not alone


I'm only one call away

I'll be there to save the day

Superman got nothing on me

I'm only one call away



Kung titingin lang siguro ako sa salamin ngayon ay malamang sa malamang, kumikinang na ang mga mata ko dahil sa kaniya. Wala akong masabi. Aaminin ko, mas maganda pa nga yata ang boses niya kaysa kapatid ko.


Natapos ang pagkanta niya, nginitian niya ang lahat ng tao dito sa loob ng gymnasium bago kunin ang boquet ng bulaklak na kanina ko pa din napapansin sa ibabaw ng piano niya. Ang ilang mga estudyante ay nag-aasam na sa kanila ibibigay ni Zayden ang mga bulaklak, ang karamihan naman ay sigaw lang ng sigaw. Kumusta na kaya ang mga lalamunan nila?


Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang papalapit sa akin. Bumilis din ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako sa hindi malamang dahilan! Ang mga mata niya ay nasa akin lamang. Ang gwapo, sabi ko sa sarili ko. Ang kulay itim niyang amerikano ay bumabagay sa kaniya. He's neat looking, at the same time, his devilish too. Napangiti ako ng salubungin niya ako ng isang halik sa pisngi, muling umingay ang gymnasium. Matapos halikan ay iniabot niya sa akin ang mga bulaklak.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon