Chapter Twenty - Seven

96 14 11
                                    

IVONE'S POV.


A couple of months have passed. Today, we reached the month of December, ilang araw na lang ay Pasko na. Bumuntong-hininga ako habang kinukuha ang baril sa shelf dito sa practice room ng bahay. Seventeen years old na rin ako.


Mali kayo ng iniisip, hindi ako magtatangkang magpakamatay. Sayang naman ang napakagandang buhay ko, diba? Tss. Sa sobrang ganda yata ng buhay ko ay napakaraming malas na dumating sa buhay ko. Napaka-swerte ko kasi eh. Pinagpala. At alam niyo ba? Lahat ng sinabi ko ay kasinungalingan. Sa totoo lang, matagal ko nang gustong iwanan ang mundong 'to pero hindi ko magawa dahil nakakakita pa ako ng pag-asa. Pag-asa na alam kong mababalewala lang din. Pero hindi naman ako sumusuko, hindi ba? Ewan ko ba.

Tinignan ko ang baril at pinagmasdan ito. Metal. Malamig... kasing lamig ng pakikitungo mo sa akin. Metal, kasing tatag ng metal ang desisyon mong hindi na ako balikan. Natawa ako. Tanga na ako kung tanga dahil hindi ko kaagad naisip na hindi mo naman pala talaga ako minahal. Ngunit anong magagawa ko? Sinunod ko lang naman ang puso kong sawang-sawa na, sobrang nasaktan, hindi na kaya at gusto ng magpahinga.


Sawang-sawa na ako sa mga pang-iiwan ninyo sa akin. Kung pwede lang sana kayong tanungin kung bakit kayo ganoon? Gagawin ko. Bakit ba ang hilig hilig niyong mga lalaki sa ganyan? Pagkatapos niyong pakinabangan, tsaka niyo lang iiwan? Sa panig ko, wala akong mali eh! Nagmahal lang ako ng totoo 'di gaya mong pinaniwala ako sa katotohanang hindi ka naman pala nagseryoso.


Ang astig mo, grabe. Katunayan nga ay gusto kitang palakpakan! Ang husay mo. Ikaw ang nag-iisang taong dumurog ng lubos sa puso kong pinahalagahan ka. Maaaring nasaktan na ako noon pero naghilom na 'yon ng dahil sa'yo pero nagawa mo rin pala akong saktan. Ilang araw...ilang araw akong nagmukmok. Nagtataka nga ako kung bakit hindi maubos-ubos ang mga luha ko samantalang araw-araw akong umiiyak ng dahil sa'yo.


Pinaputok ko ng ilang beses ang baril habang pinapatama ito sa target na hugis tao. Galit. Nanginginig. Lumuluha. Bakit ikaw ang nakikita kita sa larawang ito? Gusto ba kitang patayin? Hindi ko 'yon magagawa dahil hindi ako mamamatay tao. Kahit na napakalaking kasalanan ang ginawa mo sa'kin, natutunan pa rin kitang patawarin.



"Ivone.. anak? Papasok ka na ba? Y-You're missing your studies na eh." Dinig kong salita ni Mommy sa labas ng pinto.


Hindi ako sumagot. Mahigit isang buwan na rin pala akong hindi sumisipot sa paaralan. Sa tingin niyo kaya kong humarap sa mga taong ganito ang itsura ko? Para akong inalipin. Namumugto ang mga mata ko. Basta, ayoko. Ang isa pang dahilan, maraming galit sa'kin. Nakakatuwa nga sila, yung akala mong kakampi mo, sila din pala yung mga kaaway mo.


Nag-upload kasi si Zyle ng picture namin kasama ang mga pinsan ko, at nakatag iyon sa account ko. Nakangiti ako sa litratong yun, pero alam kong malungkot ang pagkakangiti ko. Nagsimulang mainis ang mga estudyanteng nakakaalam sa break up namin ni Zayden. Tinanong nila kung bakit napakasaya ko pa, dahilan ng pagkagalit nila. Bihira din daw pumasok si Zayden, at ang sinasabi pa daw niya kapag kinakausap...



She left me.



Pwes, alam mo? Siraulo ka. Kaya kita gustong palakpakan dahil diyan! Napakakapal ng mukha mong sabihing ako pa ang nang-iwan. Maaaring 'yon ang tingin mo sa ginawa ko pero hindi ba't ikaw pa ang may gusto no'n? You want me to break up with you! Ilang beses akong nakiusap na bumalik ka sa'kin pero anong ginawa mo? Pilit mo akong ipinagtabuyan! Halos mawalan ako ng hininga, gusto kong magpakamatay nung sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal! Tapos ganiyan? Ako pa yung masama sa paningin nila? How childish of you.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now