Chapter Twenty - Four : King & Queen

143 19 7
                                    

2018 here we come!

- - -

IVONE'S POV. 



Ngayon ko lang na-realize na may tattoo pala si Zayden sa batok niya. Nakaupo kami dito sa kwarto na inayos niya habang pinapanood ang video presentation na ginawa niya para sa akin. Ang ilang mga litrato ay kinuha niya siguro sa iba't ibang social media accounts ko, ang iba naman ay in-edit niya na kasama siya para magmukhang kaming dalawa ang kumuha ng shot na 'yon. Karamihan sa mga litrato ay stolen shots ko sa SIU. 


Natawa kaming dalawa nang makita ang picture ko na sobrang nakakatawa ang mukha, ito yung time na tawa ako ng tawa sa isang klase ni Ms. Cortez, ang Music teacher namin. Hindi ko alam na may tao na pala na kumukuha ng picture ko no'n. I should be aware, next time. Nakangisi ko siyang tinignan at natatawa siyang tumingin sa akin. 



"Ikaw ah? Bad 'yan." Biro ko.


"Ang cute mo kaya!" Natatawa niyang aniya. Inambahan ko siya ng suntok pero nakailag kaagad siya kaya mas lalo pa kaming natawa. Gagantihan kita, akala mo.


"You have tattoos?" Tanong ko. 



Tumingin ulit siya sa akin, halatang nagulat pa ito sa una pero nawala rin agad 'yon. Kinuha niya ang kwelyo ng damit niya mula sa batok at ipinakita ang ilang parte noong tattoo. Namangha agad ako sa unang pagkakataon.



"Trival. Maliit lang naman siya kaya hindi gaanong halata." Sabi niya pa habang umaayos sa pagkakaupo. Hindi nga halata, ngayon ko lang napansin eh. "Maganda ba?" Tanong niya.


"Maganda naman siyang tignan sa'yo. Pero I think, hindi na babagay sa'yo ang magpa-tattoo sa shoulders kasi magmumukha ka ng adik no'n." Natatawa kong aniya. He smiled.


"Sayang. Gusto ko pa naman sana na ipalagay ang pangalan mo dito.." Itinuro niya ang itaas ng kaniyang pulso. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.


"A-Ano? Sigurado ka ba?" Tanong ko. Tattoos are a permanent thing. Hindi na yata matatanggal 'yon kapag nagpalagay siya sa katawan niya. 


"Yup. I'm sure with you." Napakagat tuloy ako sa labi ko. Zayden naman eh! 



Pero hindi naman sa nagdududa ako sa aming dalawa. It's just that, hindi naman natin pwedeng pigilan ang pagliko ng tadhana. Paano kung...paano kung hindi pala kami para sa isa't isa, diba? Hindi naman sa gusto kong mangyari 'yon, na magkahiwalay kami. Syempre 'yon ang ayaw kong mangyari. Pero kasi, kapag nakatakda, mangyayari. Kailangan mo na lang tanggapin ang katotohanan at mag-move on. 



"I want your name on mine, permanently. Pero sige, kung ayaw mo. I'm willing to wait. After our wedding, this arm will no longer be bare. It shall have your name on it. Along with mine. Ivone Cres De Irio-Villanueva." Nangingiti niya pang sambit habang nakatingin sa kisame.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon