Chapter Four

252 57 34
                                    

ZYLE'S POV.



Every second, every minute, every hour, hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan ni Ivone. Naawa ako para sa kaniya, as her bestfriend, gustong-gusto kong gantihan ang mga gumawa sa kaniya nito, but that will just make the situation worse. Hindi ko maiwasan ang maiyak nung makita ko ang dugo niyang umaagos mula sa kaniyang noo pababa sa kaniyang mata. Laking pasasalamat ko at pumutok lang ang kanang bahagi ng noo niya at walang anumang major damage ang naidulot ng paghampas sa kanya.


Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Alam na ng lahat ang nangyari. Maging ang Lolo niya, ang daddy niya. Lalong lalo na ang kuya niya. Nasaksihan niya ang lahat. Lahat-lahat.



F L A S H B A C K


"Who. Did. This. To. My. Sister!" Aniya.


"I-Ivan C-Chase.."


Hinayaan ko muna si Kenzi kay Ivone na ngayon ay dinadala na sa sasakyan na gagamitin papuntang ospital. Masyadong malubha ang nangyaring galos kay Ivone at hindi 'yon kayang gamutin ng mga nurse sa SIU.


"Tell me what happened." Seryoso niyang saad.


"N-Nahampas ng kahoy si Ivone. H-Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan nun, it happened too fast! Nakatakbo yung dalawang lalaking humampas sa kaniya." Naluluha kong sagot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.


Kitang-kita sa mukha niya ang galit at pag-aalala para sa kapatid. "Kailan pa siya gina-ganiyan ng mga students?" Tanong niya.


"K-Kahapon."


"Yesterday? Kahapon ang araw ng pagtanggap ng late transferees diba?" Aniya. Dahan-dahan akong tumango. "The guys who hit my sister, naka-uniform ba sila?"


Hindi. Naka-sibilyan. Mga naka-asul. "H-Hindi.."


"So, mga transferee ang gumawa nito sa kapatid ko? What the fuck?" Tumaas ang boses niya kaya kinabahan ako sa posible niyang gawin. "What happened yesterday?"


"K-Kahapon, nasa canteen kami, kain lang siya ng kain ng cake ng biglang may n-nagtapon sa kaniya ng j-juice." Tumikhim ako bago muling magsalita. "H-Hindi niya na pinatulan ang mga babae, but she gave them her warning. P-Pero sa tingin ko ay may--"


"May ano!?" Sigaw niya sa'kin.


"Dude, don't yell at her." Ani Javen. Tinanguan lang siya ni Ivan Chase, tinignan niya ako na animo'y nag-sorry. Tumango ako.


"May taong nagpapagawa sa kanila ng bagay na 'yon." Deretso kong aniya.


"Kilala niyo ba?" Tanong ni Ivan Chase.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon