Chapter Twenty - Eight

98 15 15
                                    

WARNING: Contains harmful words, and scenarios! READ AT YOUR OWN RISKS! (Paasa ang Author, loko lang XD)


- - -

IVONE'S POV.



Katatapos ko lang magpinta. Matagal-tagal din ako sa paggawa dahil nga hindi naman ako magaling dito sa mga ganito. Nakadalawang canvas yata ako pero masaya naman ako sa naging resulta ng painting kaya inilabas ko ang phone ko at pinicturan iyon. Narinig ko ang bungisngis ni Sir Maranan sa gilid ko. Kanina pa kasi siya naglalakad-lakad at tinitignan ang mga ginagawa namin. Gusto ko nga sanang paupuin dito sa stool at baka nangangalay na.


Tinignan ko ang painting ni Oceana. Pitong lalaki ang nandoon tapos sa itaas ay may nakasulat.


방탄소년단


Tumingin naman ako sa kabilang gawi ko na kung saan nandoon si Lake. Gusto kong maiyak.


Isang bahay na kulay pula ang bubong at kulay dilaw ang mga pader. May dalawang bintana sa gilid ng kulay brown na pinto. At dalawang tao na magkahawak kamay, stick-man.



Siya na yata ang pinakamagaling na pintor.



"I know it's ugly! Alis!" bigla niyang sambit. Gulat akong napaiwas ng tingin tsaka ngumisi.


"Grabe, kahit yata nagsi-sneak ka lang sa kaniya ay nararamdaman niyang nakatingin ka sa kaniya," wika ni Oceana.


"I heard that." Ani Lake.


Tumingin kami sa kaniya, nakangisi ito kaya nagtaas ako ng isa kong kilay. Tinanggal niya ang canvas sa lalagyan nito.


"This is like a child's masterpiece." Natatawa niyang aniya. Yumuko ito at may kinuha sa ibaba. Napanganga ako. Isang galaxy.


Dahan-dahan akong lumingon sa kapatid niya. Kagaya ko ay nakanganga din ito. "Now this is mine." Pinanood ko siyang ilagay ang painting sa stand. Iiling-iling pa itong tumingin sa'kin.


O, edi ikaw na.


"Okay class! That's enough! Finish or not finish we shall leave the Arts Room. Bring your canvasses with you." Ani Sir at lumabas na ng Arts Room. Nagsitayuan na kaming lahat, bitbit ang mga dalang canvas.



Lumakas ang pitlag ng puso ko nang magtama ang paningin namin ni Zayden. Ganoon pa rin ang reaksyon ng mukha niya, blangko. Parang may kung anong pumasok sa isip ko na hindi ko naman mawarian. It was so awkward, and to avoid it, I winked at him. And to my surprise, he just smirked at me.



"Aaaahh!" I yelled. I found him stoping me from falling down the floor. Pakiramdam ko ay bigla na lang akong namula! Sisirain mo ang plano mo na huwag magpaapekto sa kaniya!



Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now