Chapter Seven

219 52 5
                                    

IVONE'S POV.


Tahimik kaming dalawa ni Ivan Chase sa loob ng kotse, tanging radio lamang ng kotse ang maingay. Hindi naman 'to awkward dahil nakasanayan ko na ang pagiging tahimik niya tuwing nasa sasakyan kami pero kakaiba ang katahimikan niya ngayon. Yun bang matatakot kang mag-ingay dahil sobrang seryoso niya habang nakatingin sa daan.


Parang gusto ko tuloy magtanong kung anong gumugulo sa isipan niya. Umayos ako sa pagkaka-upo ko at sinadyang tumikhim.


"I hate silence. Why can't you talk? May problema ka ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.


Nanatili siyang nakatutok sa daan. "Nothing. It's just that, ayoko na naman ng pagkakaguluhan ako mamaya. Dahil sa sobrang gwapo ng kapatid mo ay baka mapagkamalan kang yaya kapag katabi mo ako." Nakangising tumingin siya sa'kin.


Napakataas ng PRIDE.


"Ikaw? Gwapo?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. "Totoo naman hehehehe..." Dagdag ko pa.


Habang nagda-drive siya ay hinawi niya pa ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.


Kung hindi lang tayo magkapatid ay baka nahimatay na ako sa kilig dito sa mga ikinikilos mo...


Ilang minuto pa ang nakalipas ng makarating na kami sa campus. Nanibago ako dahil hindi siya sa Area ko nag-park kundi sa Area niya, ang ICHASE. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito, wala pa ring pinagbago, maganda pa rin at mukhang bago ang paligid. Nandito rin ang iba sa kanyang mga guards na nakasalubong agad sa amin. Lumabas siya sa kanyang kotse at pinagbuksan ako. Pagkalabas ko ay nagsi-tunguhan ang kanyang mga gwardya. Ganun din naman ang ginawa ko.



"Magandang umaga, ICHASE, ICDI." Bati sa amin nung isang guard.


"Goodmorning. Take care of my baby, no bruises, no scratches. None, got that?" Maawtoridad na aniya ng kuya ko.


'He is so bossy...'


Nang tinanguan siya ng kanyang mga tauhan ay umalis na kami doon. Medyo napatalon pa ako ng akbayan niya ako. Err. Nakita ko ang mga kaibigan kong papalapit sa amin kaya kumaway ako.


"Hi, Ivone!" Bati sa akin ng isang estudyante na mukhang freshman.


"Hello." Wika ko.


"Ang gwapo ng kuya mo! Hihihi!" Kinikilig niyang aniya.


Tumingin ako kay Ivan Chase na nakangiti sa bata. Himala, nginingitian niya ang mga nag-aadmire sa kanya.


"Hehehe." Naisagot ko na lang.


"Sige po, I have to go now. Nice chatting with a De Irio!" Sambit niya at umalis na.


Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now