Chapter Nine

182 41 19
                                    

IVONE'S POV.


I'm currently walking. Natapos na ang klase ngayong araw at papunta na ako sa lugar kung saan gaganapin ang rehearsals namin. As usual, mag-isa akong naglalakad dahil nauna na doon si Zero at Kenzi, sina Javen at ang kapatid ko ay nauna nang umuwi. Ang isa kong kamay ay nasa bulsa at ang isa naman ay pinanghahawi ko sa buhok ko kapag humahangin. Wala na akong dalang bag dahil pinauwi ko na iyon sa kapatid ko.


Kinabahan ako sa unang beses at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Nang aktong lilingunin ako ang likurang gawi ko ay may humablot agad sa akin. Napapikit pa ako ng ilang beses, I'm not dreaming. May dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilang braso ko at ang isa ay nakatayo sa harapan ko. Pilit akong nagpumiglas ngunit masyado silang malakas! Not again!



"Alam mo na ngang nasa panganib ang buhay mo, ang lakas pa rin ng loob mong maglakad mag-isa!" Natatawang aniya ng lalaking kaharap ko.


Agad na nagsalubong ang kilay ko. "Wala kang pakialam!"


Napansin kong napikon ito kaya mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kwelyo. Bumitaw na ang dalawang lalaki sa pagkakahawak sa akin. "Isa kang hangal! Lintek ang kayabangan mo!"


"Hindi 'to yabang, angas 'to. Angas."


"At talagang sinusubukan mo ako!"


"Sino bang ugok ang susubukan ka? Yuck." Sabi ko.


Napakabilis nang nangyari. Nang astang sasapakin niya ako ay nagkaroon ako ng tsansang makalaya sa pagkakahawak niya sa kwelyo ko, mabilis ko rin namang pinakilos ang kamay ko upang sanggain ang suntok niya. Ngayon ay hawak hawak ko na ang kamay niya at ang isa kong kamay ay nasa kabilang braso niya. "'Wag mo akong haharapin kung mapipikon ka rin naman, wala akong oras para sa mga bata." Bulong ko.


"A-Ang yabang mo!" Nauutal niyang satsat.


"Yabang lang ba ang alam mong salita? Ako kasi, alam ko yung suntok, yung sipa, yung bugbog, yung sampal, yung pasa, yung bukol, yung dugo, yung ospital, tas emergency room, tapos flat line, hanggang sa sementeryo. Mamili ka."


"Mga walang kwenta! Anong tinutunganga niyo dyan!? Sugurin niyo!" Sigaw niya do'n sa dalawang lalaki. Huli na ang lahat dahil nasuntok na ako sa tiyan ko. Agad namang nakakawala ang si Yabang at tatawa-tawang hinarap ako. "Ano ka ngayon?"


"Tao pa rin naman."


"Anak ng...Makakatikim ka talaga--"


Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil muli niya akong sinapak sa mukha. Hindi ko na magawang kumilos dahil marunong siyang sumuntok, pero hindi ganun kagaling. At nanghihina na rin ako. Putcha. Napapikit na ako sa sakit na nararamdaman ko, namimilipit na ako sa kinahihigaan ko. Pero nawala ang lahat ng 'yon ng madama ko na wala nang sumusuntok sa akin, natatanging mga braso na lamang ang nararamdaman ko. Pakiwari ko ay niyakap ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at lubos itong nanlaki ng makita ko ang tatlong lalaki na nakahilata na sa sahig at walang malay! Mas lalo pa akong nagulat sa lalaking nakayakap sa akin...

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now