Chapter Forty - One

79 15 18
                                    

IVONE'S POV.



Muli akong huminga ng malalim. Lumunok muna ako bago magsalita. "Pagpapatawad by Ivone Cres De Irio." Pagsisimula ko.


Pagpapatawad, salitang mahirap igawad.
Pagpapatawad, salitang madali ring matupad.
Ako si Ivone Cres De Irio,
Nandito upang ibahagi sa inyo ang tulang ito.


Alam kong gulat ang naramdaman niyo
Sa desisyon kong pagpili sa kaniya at hindi sa inyo.
Tao lang naman ako, nagkakamali rin.
Nawa'y lumisan sa inyo ang pagkagalit sa akin.


Minsan, nag-aasaran tayo.
Minsan, nagkakapikunan.
Pero posible pa kayang...
Maulit ang pagkukulitan?


Ako'y nangugulila, sa inyong pagsasalita
Sa inyong yakap at halik
Sa akin man lang ay sumilip
Upang hindi na maranasan nitong puso ang sakit.


Tayo ay mga De Irio.
Nagkakatampuhan, oo.
Pero gusto kong malaman niyo,
Na mahal ko kayo at iyon ang totoo.


Kaya sana mapatawad niyo
Akong nagkasala sa inyo
Alam ko rin namang nagkamali ako
Sa naging desisyon ko.


Mahirap kasing mamili
Lalo na kung pareho ko kayong kinakandili
Sadyang siya lang ang naisip
Noong panahong ako ay pinapili.


Maaari ba?
Pwede pa ba?
Ang humingi ng kapatawaran,
Nawa'y ako'y inyong gawaran.


Sana lang,
Huwag maging hadlang
Ang kaming dalawa
Sa pagsasama nating lahat, simula una.



Nang matapos ang tula ay narinig ko ang mga palakpakan. Tinignan ko lamang ang tatlo kong pinsan. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakangiti si Oceana. Ang dalawang lalaki naman ay nakatungo lang.


"What a very nice poem, Ivone." Makabuluhang aniya ni Mrs. Ortega. Tumango lamang ako sa kaniya bilang pasasalamat at umupo na. "Next is... Zyle Mendoza." Tumayo ang tinawag ni Mrs. Ortega sa harapan.


"Lalake Nga Naman by Zyle Mendoza. This is for you, boys." Malandi pa nitong aniya. Baliw.



Lalake, kabaliktaran ng babae
Lalake, salitang sasaktan ka lang
Kapag nahulog ka, iiwanan
Mga taong di dapat paniwalaan


Sasabihan ka ng salitang kay tamis
Kung patayin ka naman
Parang ipis
Sobrang dali, puso mong kay nipis.


Bakit nga ba?
Anong napapala niyo?
Maaari niyo bang sabihin para
Hindi na lang kami papaloko?


Pasensya na ah?
Kung sobra akong nagpakatanga
Minahal lang naman kita
Akala ko, ikaw na.


Pero hindi pala.
Nakita kitang may kasamang iba
Aaminin ko, mas maganda
Pero bakit? Bakit ganyan ka?


Anong problema?
Hindi ba ako pasok sa salitang 'sapat na'?
Tatlong taon nating pagsasama,
Itinapon mo na parang basura!

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon