Chapter Three

327 65 73
                                    

IVONE'S POV.


Maaga akong nagising dahil narinig ko ang pag-ring ng telepono ko. Inis ko 'yong kinuha at bubulong-bulong habang sinasagot ko. Tinignan ko kung ano'ng oras na, 5:30 pa lang ng umaga! Mamaya pa'ng 7:30 ang pasok namin! Tsk!



"Ya!" Sigaw ko.


"Anak ng..." Dinig ko pang bulong nito. "It's too early for yelling, Cres!" Sigaw niya rin sa kabilang linya. Hindi ko malaman kung magagalit ba ako o matutuwa sa pagtawag niya!


"Oo nga...Ang aga para sumigaw, ang aga rin para tumawag. Nakaka-istorbo ka ah!" Wika ko. Hindi ako galit. Naiirita lang.


"Yeah right, eh 'di sana ay hindi mo sinagot ang tawag ko! Tsh!" Aniya. Hindi ko napigilan ang mga mata kong umikot. Napaka!


"Eh ano ba kasi! Bakit ka napatawag?" Iritado kong tanong.


"Uuwi na ako." Bigla akong nanginig. Hindi ko alam, pero magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ko. Napahiga akong muli sa kama habang kagat-kagat ang kuko.


"T-Talaga?" Nauutal kong paniniguro.


"Ne. I'm coming home." Nagsimula nang mangilid ang luha ko dahil sa tuwa.


(Translation: Ne - Yes)



"When? H-How? Pinayagan ka nila Mommy?"


"Hmm...Uuwi na rin sila--Tsk! Bakit ko nasabi!" Natawa na lang ako. "A-Ano...Oo, uuwi na rin sila, pero mauuna ako." Naglandas sa pisngi ko ang dalawang guhit ng luha ko.


Masayang-masaya ako sa nalaman ko mula sa kaniya. Ilang buwan ko na silang hindi nakakasama dahil naroon sila sa ibang bansa, sa America. Ako lamang at si Lolo ang natirang De Irio dito sa Pilipinas. Dapat ay kaming tatlo pero pinatawag siya nila Daddy at ang sabi ay kailangan daw para sa business. Syempre, kahit gustuhin kong 'wag siyang payagan ay hindi ko pa rin magagawa. Gusto ko rin na maalam siya pagdating sa negosyo ng pamilya.


Maging ang mga pinsan ko ay doon naninirahan sa America mula noong tumungtong kami ng high school. Kasama ang parents nila, paminsan-minsan ay nagbi-video call kami para malaman kung ano ang lagay ng isa't isa. Hindi ko naman maipagkakaila na nangungulila na ako sa kanilang lahat. Namimiss ko na 'yong mga gala naming magkakasama, ang mga masasaya naming kwentuhan at tawanan. Lahat 'yon ay namimiss ko na.


"K-Kailan ka uuwi?" Tanong ko habang pinapahid ang luha ko.


"I don't know yet. But, Dad said he bought me tickets already. Kaya I'm coming soon," Tumango naman ako. Hindi ko siya sinagot. "I'm coming back..." Nagagalak niyang sinabi.


"I'm excited." Sabi ko.


"Me too..." His voice was husky.

Unexpected Love | COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang