Chapter Forty - Four : Dark Secret

96 16 1
                                    

IVONE'S POV.


Umagang-umaga ay nakatanggap kaagad ako ng mensahe galing kay Zayden. Umagang-umaga ay nakangiti kaagad ako (na hindi ko naman gawain). Umagang-umaga din ay kinikilig ako nang dahil sa kaniya. Hay nako, Villanueva. Hindi na gaya nang dati ang pangalan niya sa message, binura ko 'yon simula pa noong hiniwalayan niya ako. But I am planning to change it later.


From: Zayden

Hey Hottie, where you at?


Okay, kalma, Ivone. Kalma... Kalma... KALMA! Nakakagat labi akong nag-type ng mensahe sa kaniya. Pakiramdam ko ay pulang-pula kaagad ang mukha ko. Wala namang pasok, what is his plan? Naibalik ko sa cellphone ang tingin ko dahil muli siyang nag-message.


From: Zayden

I'm outside your house. I guess your cousins are here too, ang daming sasakyan.


Halos mapamura ako nang maalala ang napag-usapan namin kagabi. Napatakip ako sa aking bibig. How can you forget that damn thing, Cres De Irio? Just how? I have completely forgot about his whole courtship thing for my family. Tsk! Bigla na lang tuloy akong kinabahan. Nervously, I called him...


"Hi, Hottie." He said in a very very very husky voice. Ni hindi ko na nga nagawang kiligin dahil doon sa sinabi niya, I looked outside my window and there he was standing.


"I see you from here. J-Just... Huwag kang papasok basta-basta, okay? B-Bababa ako." Sabi ko kay Zayden sa linya.


"S-Sige, I love you." Malambing niyang aniya.


"Hmm. Bye, nae agi."


(A/N: Ayokong i-translate :P HAHAHA XD)


Dali-dali akong bumaba, not caring what I look like. I am still wearing my light blue and pink pajamas, the left leg is colored light blue and the right one is light pink. I am Harley Quinn's daughter. Just joking.


Halos madapa ako sa aming hagdan dahil nga sa pagmamadali kong makababa. Dahil gawa sa salamin ang mga gilid nito, kitang-kita ko kung sino ang mga nasa sala. At tama nga ang sinabi ni Zayden sa akin, nandoon ang mga pinsan ko pati sina Megan at Olyn. Napatingin sila isa-isa sa akin, walang reaksyon, galit pa rin siguro. Naging tahimik ang paligid, nandoon din sina Mommy at Daddy na kinakausap ni Kuya River, tanging sina Olyn lang yata ang bumati sa akin ng magandang umaga, sila lang din ang ngumiti sa akin bilang kapalit. Ang kaninang masayang umaga ko ay napalitan ng lungkot at takot sa maaaring mangyari mamaya.


Nang makarating na ako sa ibaba ay doon lamang nagtama ang paningin namin ni Daddy, nagtaka ako kung bakit seryosong seryoso ang tingin niya. Panandalian kong ipinikit ang mata ko, sana naman hindi nila sinabi ang tungkol do'n.


"Ivone, let's talk." Muli akong napapikit nang marinig ang tinig ni Daddy.


Dahan-dahan ko silang tiningala, they too, were also looking at me. Kaya mas lalo lang nadagdagan ang pressure na nararamdaman ko. "S-Sige po, D-Dad... S-Sa d-dining room n-na lang p-po siguro?" Wika ko. I know that he is going to punish me or what, ayaw kong marinig pa ng mga pinsan ko ang sasabihin niya.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now