Chapter Fifteen

157 27 19
                                    

Chapter 15! Cheers!

- - -

IVONE'S POV.



Zayden Jude Villanueva. Zayden Jude Villanueva. Zayden Jude Villanueva. Zayden Ju--Oh my god! I can't stop thinking of his name! Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na alam ko na ang totoo niyang pangalan! Yieeee! Sobrang astig ng dating ng pangalan niya at ang unique din nito. Pinanood ko siyang maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Ang mga kakampi niya ay ang mga Pascal samantala, sina Javen at Zero ay sa kabilang team naman na kalaban nila. Hindi ko alam kung saan ako papanig! Nakita kong naka-shoot si Zayden ng two points which made the crowd go wild.



'VI-DA-NES! VI-DA-NES! VI-DA-NES!'

'Kyaaaaaahhh!'

'Oh my god! Ang hoooottt!'



Halos mapapikit ako sa mga pagsigaw ng mga kaklase naming babae. Tinignan ko si Zayden at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo at nakataas ang kilay. He's waiting for me to yell. "U-Uhh... GO BABY!" Sigaw ko.


Muli ko siyang tinignan at nakangisi siya sa akin. He licked his lower lip and continued to play. Pinagmasdan ko rin ang mga tao sa bleachers at nakatingin sila sa akin. Wait...May mali ba sa sinabi ko? Ang isinigaw ko lang naman ay go...BABY?! What the fuck, Ivone? Gusto kong yakapin ang sarili ko sa kinauupuan ko dahil sa kahihiyan. I called him 'baby'! Pakiramdam ko ay namula kaagad ang kabuuan ng mukha ko. Hindi ko sinabi 'yon... Hindi pwede!



"Traydor!" Inis na sigaw sa akin ni Javen. Nahihiya ko siyang nginitian. Nasa kaniya ang bola at nung malapit na siya sa ring ay nag-dunk siya.


"Ang galing mo Javen!" Masyado yatang napalakas ang pagsigaw ko dahil nasa akin muli ang mga mata ng mga babaeng Pascal at ang ibang college students na nanonood din.


"I LOOOVE YOUUU!" Akala ko ay malakas na ang pagsigaw ko ngunit mas nakakabingi ang sigaw ni Zyle! Talagang mapapatakip ka sa tenga mo. Tinignan ko si Javen na nag-flying kiss sa nililigawan. Awww..cute!



'Waaaaaaahh! Official na talaga silaaaa!'

'My heart is broke na naman!'

'Kainiiiiisss! But I'm happy for JaZyle! Yiiieeee!'

'Me too!'



Natapos ang first quarter at ang team nina Zero ang may mas maraming puntos kumpara sa team nina Zayden. Pero sa tingin ko ay kaya pa naman habulin dahil kakaunti lang ang lamang ng scores. Inabutan ko kaagad ng Gatorade si Zayden ng maupo siya sa tabi ko. "You... are making... me love... you!" Hinihingal niyang aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko. "I want to hear that baby again..."


'Hindeeeeeeeeeee!!'


Hindi ako nakasagot. Pinanood ko lang siyang uminom ng Gatorade na inabot ko sa kaniya. Grabe, pawis na pawis siya! Parang gusto ko tuloy kumuha ng towel at...punasan siya. But it's wrong! Crap. "Wipe my sweat, baby." Ipinagkadiinan niya pa ang 'baby' habang nakatingin sa akin. Bigla naman akong kinabahan at lumunok.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon