Chapter Twelve

156 29 9
                                    

May you rest in peace, Kim Jonghyun.


- - -


ZYLE'S POV.


Second!


Papunta ako sa classroom nila Javen dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila lumalabas kaya hinintay ko na. Bakit naman kaya ang tagal silang palabasin ng professor nila?


Pinauna kong umorder sina Kenzi para sa snacks namin. Ewan ko na lang kay Ivone kung kakain siya, usually kasi, kapag bagong gising siya ay hindi naman 'yon nagugutom. Muli kong naalala ang mga nangyari kanina. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Yes, I've seen her cry before pero iba ang pag-iyak niya kanina kahit pa natutulog lang siya. Alam na alam mong may bumabagabag sa kaniya. And also, I'm happy for my bestfriend, hindi man ako fortune teller but I can tell na magkakatuluyan ang dalawang 'yon. At bagay na bagay talaga sila.



Nasilip ko sa bintana na palabas na ang mga kaklase nina Javen. "Hello!" Bati ko sa mga babaeng kumaway sa akin. Kahit pala sa first year college ay may nakakakilala sa akin.


"Pre! Bilisan mo naman! Ayun na si Zyle, o!" Dinig kong sigaw ni Zero kay Javen. Hinintay kong makalabas lahat ng mga kaklase nila tsaka ako pumasok sa loob. "Hehehe...Hi Zyle! Sorry ah? Ang tagal kasing dumaldal nung prof namin! Nakakahiya tuloy."


"No no, it's okay. Kakalabas lang din namin." Wika ko.


"Nasaan pala si Kenzi?" He asked. Nandoon sa canteen, may kasamang lalaki.


"Sa canteen. Kasama si Ivone." He nodded. Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Javen na nakatingin pala sa amin.



I raised my eyebrow. "Yeah, I'm jealous." Aniya.


"Ano ka ba pre! 'Wag ka ngang magselos sa'ming dalawa ni Zyle! May Kenzi Rain na ako! Para kang bakla! Kadiri!" Angil ni Zero habang lumalayo kay Javen na animo'y pinandidirian ito.


"Ang ingay mo!" Dinilaan lamang ni Zero si Javen at nagsimula ng maglakad palabas ng room, susunod na sana ako ngunit hinawakan ni Javen ang kamay ko. "Diba sabi ko solo kita ngayon?"


Ay shet! Oo nga pala! "H-Hehehehe...Saan ba tayo?"


"Our favorite place." Hinila niya na ako palabas. Abot tenga naman ang ngiti ko dahil makakapunta ulit kami doon sa pinakapaborito naming lugar, kinikilig din ako.



Ang lugar na 'yon ay sa rooftop na kung saan kaming dalawa lang ang pwedeng pumunta, as in kaming dalawa lang. He calls it Mr. and Mrs. Chua's Property pa nga, maganda ang rooftop dahil puro halaman ito, at mahangin din sa taas. No'ng huling beses yata kaming pumunta dito ay noong nakaraang-nakaraang linggo pa. Nang marating na namin ang hagdan ay hinawakan niya ako sa kamay. Kaya napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. We reached the top, at ganoon na lang ang surpresa ko ng makita ang rose petals sa sahig at may isang lamesa na may upuan para lang sa dalawang tao. May tali rin na abot kamay, pinagmasdan ko ang mga nakasabit dito, yung mga selfies namin. He's too sweet.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now