Chapter Fifty : Unknown

141 30 5
                                    

IVONE'S POV.



Maaga akong nagising dahil sa ingay galing sa ibaba kaya kahit hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili ay bumaba na ako kaagad. Nandoon ang mga pinsan ko pati ang mga magulang nila. Medyo nahiya na ako dahil sa itsura ko pero ayos lang naman siguro sa kanila 'yon. Pinagmasdan ko ang sarili ko bago tuluyang lumapit sa kanila. Naka-spaghetti strap akong kulay itim at nakashorts. Sa kabuuan, kulang na lang ay lamesa.


"The princess is here!" Ani Ivan Chase. Nagtinginan silang lahat sa akin at ngumiti. Ganoon din ang ginawa ko at binati ang mga nakatatanda tsaka lang ako umupo sa tabi ni Taze.


"Sexy, babe." Bulong nito sa akin.


"Stop it." Sabi ko sa kaniya. Hindi ko mawarian kung babae ba talaga 'tong si Taze o lezbian siya. Pero syempre, biro lang. "So... What brings you here guys?"


"Cassie, pinapaalis na kami ng bunso mo." Pagbibiro ni Tita Hazel. Nagtawanan kaming lahat.


"Hindi naman po, Tita." Nahihiya kong aniya. Okay, I'd better shut up.


"Nitong mga nakaraang araw at buwan, napapansin namin ng mga tito at tita niyo na dumadami ang nagkakaroon ng interes sa pamilya, lalong lalo na sa inyo. It seems like they always want us to get killed or have our graves on the ground. Yes, we are prepared for whatever bad thing that happens or might happen. Kayo din, nasisiguro ko naman na handa kayo. But we want to train you more." Sambit ni Tito Zeke, ang tatay ni Zephaniah at Zach.


"We included Zach, siya na lang kasi lagi ang kinukuha mula sa atin, siya na lang ang ginagawang panakot, siya lagi. So I'd like you to teach him knife throwing and the basic skills among all. Alam mo na siguro kung ano 'yon, River." Maawtoridad na wika ni Tito Zeke.


"Of course, tito." Ani River.


"How about the rest of us? Free time?" Walang interes na tanong ni Lake.


"Lake Andrei!" Saway ni Tito Seidon sa kaniya. "Syempre hindi naman pwedeng wala kayong ginagawa, hindi niyo papanoorin si Zach sa pagsasanay niya. Kayong lahat maski maraming alam sa mga labanan ay magsasanay pa rin." Narinig ko naman kaagad ang pag-angal ng karamihan. "And yes, hindi kayo papasok, pumayag na ang lolo niyo."


"Yes! Thanks Tito!"

"Aw, hindi ko makikita si Aaron."

"Flirtartious!"


Sigawan ng mga pinsan ko. Natawa na lang ako sa kanila. Ang iba ay nakaupo na animo'y papahiga na, ang iba naman ay halos magpagulong-gulong na sa lapag. Ang mga tito at tita lang namin ang maayos, pati si Mommy. Si Quin nga ay nakataas pa ang paa sa coffee table namin habang nakakalong sa kaniya si Zach na busy'ng busy naman sa tablet nito.


"Are you in a relationship with that boy, Oceana?" Tanong ni Tito Seidon sa anak. Natahimik na lang ang lahat at hinintay ang kasagutan ni Oceana na ngayon ay nanlalaki ang mga mata.

Unexpected Love | COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora