Epilogue

212 28 1
                                    

IVONE'S POV.



"Happy birthday." Sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siya na dinudumog ng mga kaklase ko at ilang schoolmates.


"Kuya Zayden! I made this for you! I'm a big fan of ValDen!" Sabi ng isang freshman habang iniaabot sa kaniya ang poster na nakalagay ang mukha niya at ni Valerie.


I didn't know what I was doing, I suddenly smiled while looking at the two of them. Ang kamay ni Valerie ay nakapulupot sa braso ni Zayden habang siya naman ay abalang-abala sa pagtanggap ng mga regalo mula sa mga kamag-aral namin. Sunod siyang tumanggap ng mga bulaklak na may tsokolate mula sa isang babae at teddy bear naman na kasing laki ni Zach mula sa isang bakla. Naghiyawan at nagtilian ang lahat ng ibigay niya ang teddy bear kay Valerie.


Nakakabingi na nga ang karamihan, lalong lalo na ang mga babaeng nagtitilian. May iba na kumukuha ng mga litrato nilang dalawa. Kung titignan nga sila, para silang artista na nagpunta sa isang paaralan at dinumog ng fans nila. Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ako. Nawala lang ang pansin ko sa mga tao nang tabihan ako ng isang lalaki.


"Some day, I'll give you the largest teddy bear." Aniya.


I smiled as I look at him. "Sira ka, we're just friends, why would you do that?"


"Ouch. Friendzoned by a De Irio." Sabi pa nito. Mahina kong hinampas ang braso niya at tumawa. "Masama bang magbigay ng teddy bear sa isang kaibigan? At isa pa, we're engaged." Dagdag pa ni Shark at itinuro ang singsing ko.


"I didn't know you'd take that seriously." Hindi makapaniwalang wika ko sa kaniya.


"Of course I would. Kapag may singsing, ang ibig sabihin ay totoo." Aniya.


Medyo nailang ako ng kaunti sa sinabi niya. Naramdaman kong nakakulong ako, kahit na hindi naman talaga matatawag na 'legal' ang engagement... o kung iyon nga ba dapat ang itawag sa ginawa ko. Sa ginagawa niya, para tuloy akong may batas na dapat sundin dahil may patunay, may singsing. Hay ewan ko ba! Hindi ko maipaliwanag pero sobrang weird.


"Whatever you say." Sabi ko at bumuntong-hininga.


Ibinalik ko ang paningin ko sa mga tao. Hindi na makadala si Zayden sa mga regalong natanggap niya kaya ang iba ay nasa lapag o di kaya naman ay si Valerie ang may hawak ngunit ang mga kamay nila ay nananatiling magkadikit. I'm so happy for you. Sabi ko sa isipan ko. Hindi sa sobrang pinagmamasdan ko siya pero nakikita kong masaya siya, nakikita kong masaya ang mga mata niya, pati ang labi nito ay ipinapakita ang kasiyahan. Nakakahawa nga ang ngiti nito. Maybe it wasn't possible, naging posible ang mga katagang makakahanap ka rin ng iba. At kitang-kita ko naman na masaya kayo sa isa't isa, mukhang mahal na mahal ka ni Valerie.


I'm happy for the both of you.


Hindi ko masasabing naka-move on na talaga ako sa kaniya dahil may ilang gabi na kapag napapanaginipan ko si Zayden ay lumuluha pa rin ako at kapag nagising ako, umiiyak pa rin ako. Paminsan-minsan ay hinahanap hanap ko rin siya, oo. But I also consider myself over him, kung dati ay halos araw-araw ang pag-iyak ko, ang paghahanap ko sa kaniya, ngayon ay hindi na. Siguro nagkakataon lang ang mga bagay na iyon. Maybe because he became a part of me, of my life kaya hindi kaagad ako nakapag-adjust nung nawala siya. Pero ngayon? I can say that I am a happy person, I often laugh, and others have noticed me being cheerful.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon