Chapter Ten

189 40 7
                                    

IVONE'S POV.


Natapos na ang rehearsals namin. I'm sooo tired! Ang daming ginawa kanina bukod do'n sa paglakad ay inensayo rin namin ang dance, bagong pasabog daw 'yon ni Mrs. Pastrana—siya ang nangangasiwa ng Acquaintance Party ngayong taon.


I can't help but to smile everytime I remember the fun moments we had kasama si Vidanes. Ewan ko ba, pero masaya ako dahil maayos na sila nina Zero at Kenzi. Kanina nga ay nag-truth or dare kami habang water break, at nung nagsabi ng joke si Vidanes, humagalpak sa tawa si Zero, ang tawa pa naman niya ay nakakahawa, once he laugh, you'll laugh. I think that this is really a start of something good.


Nandito na pala ako sa bahay, dapat ay tatawagan ko ang driver ko o kaya si Ivan Chase dahil nakakahiya naman kina Zero na makaabala pa ako, pero ang sabi nila ay sa kanila na daw ako sumabay, I hesitated ngunit pinilit nila ako kaya ayon, I have no choice but to join them. Buong byahe yata namin ay si Vidanes lang ang bukang-bibig nila, lalo na ako.



"Dad?" I called my father. Agad naman siyang tumingin sa akin, inilapag niya muna ang kutsara't tinidor.

"Yes, Ivone?"

"About the bullies, ano na po pala ang nangyari sa kanila?" Noong nakaraang araw ko pa kasi gustong itanong sa kanila kung ano ang ginawa doon sa mga nambully sa akin.



"Last day, your Mother and I talked to their parents about what their sons and daughters did to you. By looking at them, they were disappointed by how their children act, humingi sila ng tawad sa nagawa ng mga anak nila." I didn't say anything. I kept on listening. "Ang sabi ko, hindi naman 'yon big deal, pero para sa Lolo mo, kay Dad, big deal 'yon." Natawa pa siya ng bahagya kaya natawa na rin kaming tatlo nila Mommy at ng kapatid ko. "Of course, na-suspend sila."



Tumango ako. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin, tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig.



"How's school pala?" Pagbabasag ni Mommy sa katahimikan.

"It's okay naman po. Gaya ng dati, marami pa rin ang tumatawag sa amin tuwing naglalakad kami." I said while thinking of the students who admire us.

"My sister is famous, heh?" Wika ni Ivan Chase.



"'Di naman, sadyang marami lang talaga ang humahanga sa amin. And I don't know why." I said, medyo may yabang sa tono ko. Lol.


"I see..E ikaw, Chase?" Baling naman ni Mommy sa kapatid ko.


"Doing fine, Mom. Marami pa ring babae ang humahabol sa gwapo niyong anak ngunit ang puso ko ay para lamang sa nag-iisang babaeng nagngangalang Jazine Rin Chua." Dere-deretso niyang saad kaya natawa kami.


'Kakaiba talaga ang kayabangan nitong si kuya...'


Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon