Chapter Twenty - Two : The Party pt. 5

127 16 1
                                    

IVONE'S POV.



Hawak ni Zayden ang kamay ko habang palabas kami ng gymnasium. Ang iba ngang nagsasayaw ay sa amin nakatingin at hindi ko alam kung bakit. May mga estudyante namang kinikilig at pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito pero hindi ko na siya tatanungin dahil may tiwala ako sa kaniya.


It was cold outside, actually. Nakapagtataka dahil habang naglalakad kami ay may mga rose petals na bumabagsak sa lupa, sunud-sunod ding nagbukas ang mga ilaw kapag dadaan kami. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mapangiti kasabay ng pagtataka. Nakarating kami sa isang classroom na kung saan, madilim at walang tao. Tahimik. Naramdaman ko na dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. What is he gonna do? Hindi ko makita kung nasaan siya dahil sobrang dilim ng lugar. Bigla akong kinabahan.



"Hanapin mo ako." Dinig kong aniya. Kumunot agad ang noo ko, are we playing hide and seek or something? Uhm..


So I started walking like an old person. Slow, steady, and sure. My arms were in front of me, stretched. Craving for a human body, his body. Napangiti ako sa gitna ng kadiliman. I think that this is his surprise for me, this is the secret. "Ang hirap mong hanapin!" Natatawa kong aniya.


I heard him giggle. "Then don't give up, continue searching." Ang mga salitang 'yon ay iba ang pinapahiwatig sa akin. Para bang sinasabi nito na hanapin ko lang ang taong para sa akin kahit na sobrang hirap na ay 'wag akong susuko. Or... baka naman gawa-gawa ko lang 'yon? Err.


"Give me a clue!" I shrieked. Totoong nahihirapan na ako sa paghahanap sa kaniya. Kung bakit naman kasi ito pa ang napili niya.


He did not answer. Nakarinig ako ng yapak sa bandang likuran ko so I quickly turned and faced my back, iginalaw ko ang mga braso ko but there was no sign of Zayden.


"It didn't help." Wika ko.


Once again, I heard him laugh. Is he making fun of me? I decided not to find him but the light switch instead. Kaya sinikap ko ang lumapit sa pader at nagkapa doon. Thank God, mabilis kong nahanap ang switch at pinindot iyon. I heard him curse.


Nagliwanag ang classroom. I was left surprised. Iginala ko ang mga mata ko sa lugar na kanina ay madilim. It was beautiful. May mga kulay rosas na lobo na lumulutang na tumatama sa kisame, ang mga rose petals na kanina ko pa nakikita sa paglakad namin ay mayroon din dito. At ang bagay na pumukaw sa akin ay ang malalaking letra sa pader, binasa ko ito. I love you. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti habang naglalakad papalapit doon, at mas lalo pa yata akong namangha, mga litrato naming dalawa na inedit ang bumubuo sa mga letra. Maiiyak na yata ako.


Nahihiya ko siyang nilingon. So much effort, wala man lang akong ginawa para sa kaniya. Tsk, kailangan mong bumawi Ivone. "S-Sorry, wala akong nagawa para sa'yo.." Malungkot kong tugon sa kaniya.


He chuckled. Hinawakan nito ang magkabila kong braso. "Hindi naman problema 'yon. I'm not materialistic anyway. Sapat na yung girlfriend kita at boyfriend mo ako. Don't be upset, okay?" Pagtango na lang ang naisagot ko.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now