Chapter Sixteen

144 26 10
                                    

IVONE'S POV.



Tomorrow night is the night of the party. Katatapos lang ng general rehearsals namin. I'm here at Tita Kazumi's boutique to see the gown that I'm going to wear, at sumama na rin ako dahil gusto kong makita kung ano ang susuotin ng kapatid ko sa party. A couple of students are here too, same reason as mine. Nakaupo kaming dalawa ni Ivan Chase sa couch na kulay light pink habang hinihintay si Tita Kazumi na kaibigan ni Mommy. Kasama namin si Mommy ngayon.


"Ivone! Here's your gown!" Ipinakita niya sa'kin ang isang mannequin na suot-suot ang damit na napili ni Mommy. Napanganga na lang ako. Sobrang ganda.


Tube na ball gown siya na may kaunting palamuti sa pang-itaas na bahagi at plain lang sa ibaba. Lumapit ako sa mannequin at nakangiting pinasadahan ito ng tingin. "I want to try it, Tita."


"Sure sure! Jay! Halika't ipasok natin 'to sa dressing room!" Tawag ni Tita Kazumi sa isang staff. Pumasok na ako sa dressing room, kasunod ko lang ang staff at si Tita. "Let me help you, Ivone." Tumango ako.



Mabilis kong naisuot ang gown dahil wala nang kahit anong gagawin para maisuot lang ito. It is very comfortable, sobrang lambot din. Sandali ko munang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin ng dressing room at dahan-dahan akong umikot para makita ang kabuuan nito. Niyaya na akong lumabas ni Tita Kazumi, sumunod naman ako. Pagkalabas ko ay narinig ko kaagad ang pagtili ni Mommy at ang pagsipol ni Ivan Chase.



"You're so beautiful, Cres!" Puri ni Mommy.


I smiled at her. "Thanks, Mom."


Tinignan ko naman si Ivan Chase na hindi maalis ang titig sa akin. "Damn girl," bulong niya kaya natawa ako. "You're damn gorgeous as hell, princess."



Muli akong natawa sa sunud-sunod niyang pagmumura.



"Chase! Watch your words!" Natatawa ngunit seryosong saway ni Mommy sa kapatid ko na ngayon ay humahagalpak na sa tuwa.


"Do you like your gown, Ivone?" Tanong sa'kin ni Mommy. Nasa likuran ko siya pati si Ivan Chase. Pare-parehas kaming nakaharap sa salaming tatlo, pinagmamasdan ang suot ko.


"Yes, Mom. I like it. I love it."



Muli kong pinagmasdan ang sarili ko. Hindi ko tuloy mapigilan na magtanong kay Mommy kung ano ang hairstyle ko bukas ng gabi at kung ano ang make up ko. Ang sabi naman niya, si Hames na daw ang bahala sa'kin, ang make up stylist ng pamilya. Hindi ko naman maiwasang maalala si Zayden, will he like my dress? Magugustuhan niya kaya ang isusuot ko para bukas? I don't know. Sana. Ano kayang itsura niya bukas? Syempre, mas lalo siguro siyang ga-gwapo. Naiimagine ko na ang sarili kong kasayawan siya buong gabi. Ngayon pa lang ay kinikilig na ako.


'Ang landi mo, Ivone!'


Napalingon kaming lahat sa mag-anak na pumasok sa pinto. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang mga 'yon. "Z-Zayden.." Lumapit ako sa kaniya. Nagulat pa ako ng salubungin niya ako ng yakap. Oh shit. Nandito sina Mommy!

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now