Chapter Twenty - Five

102 16 3
                                    

ZYLE'S POV.



Maraming salamat sa Maykapal at natapos din ang pag-uusap ko sa harapan ng napakaraming estudyante. Grabe, pagod na pagod ako! Wala tayong magagawa, Zyle. Ginusto mo 'yan eh! Oo nga naman. Pero sa kabila ng pagod na nararamdaman ko ay sobrang saya ko. Hindi ko nga alam kung alin ba sa mga dahilan na ito ang nagpapasaya sa akin. Kung masaya ba ako dahil naging MC ako ngayong gabi? Kung masaya ba ako dahil may napalanunan ako? Kung masaya ba ako dahil may nanalo ang mga kaibigan ko, lalo na sila Ivone? O kung masaya ba ako dahil finally, sinagot ko na ang taong nagpatibok sa puso ko? Lahat siguro!


Natapos na ang Acquaintance Party. Ang ilang estudyante ay nagsimula nang magpaalam at lumalabas na ng gymnasium. Ang karamihan naman ay mas piniling mag-stay dito sa loob, kasama na kami doon, para makisalo sa after party. Dapat ay kanina pa ito nag-start pero dahil nga kina Zayden at Ivone, napahaba ang oras kaya late na nagsimula. Nagsigawan ang mga estudyante nang bumagsak mula sa kisame ang mga lobo at mga unan. Sleepover kasi ang ganap ng after parties kapag may mga ganitong event ang SIU. Kinuha ko 'yong kulay berde na unan at inihampas 'yon sa boyfriend ko na may hawak namang kulay asul na unan.


Medyo kinilig pa ako nang maisip ko na boyfriend ko na pala siya. Letse ka Zyle! Bakit kasi sinagot mo? 'Yan tuloy malapit ka na namang mamatay! Tsk!


Sinubukan kong umiwas sa pagganti sa akin ni Javen ngunit nabigo ako dahil nahampas niya na agad ako. Tumawa na lang kami at tsaka umupo sa mga nagkalat na unan. "You tired?" tanong niya sa akin.


"Meydo. Ikaw?" Tumingin ako sa kaniya at tsaka sa mga tao. Naghahampasan din ang iba, 'yon namang mga mukhang pagod ay nakahiga lang.



Sina Kenzi at si Zero ay nakita kong naghahabulan habang may hawak ding unan. Si Ivone at ang kaniyang nobyo naman ay nasa gitna, naghahampasan din. Napangiti ako. Ang sarap tignan na lahat kami ay may kani-kaniyang partner. "Hindi naman ako pagod." Sagot niya.


Grabe! Hindi man lang nagtanong ng iba! Ang boring talaga nitong kausap!


Suminghal ako.


Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Hindi ko naman ito matatawag na awkward dahil sanay na ako na ganito siya katahimik kahit na sa loob ko ay naiirita na talaga ako sa kaniya. Si Javen kasi, hindi siya gaanong mausap at madaldal kapag ako ang kaharap niya, 'yon ang napapansin ko pero kapag nandyan naman ang mga kaibigan namin tulad nila Zero, dinaig pa ako sa kaingayan! Kapag nga ako ang kinakausap niya at nagsabi ako ng joke? Bahagya lang siya kung tumawa kaya pakiramdam ko ay nakokornihan siya sa akin pero kapag ang mga kaibigan namin ang nagbiro, mas masahol pa sa witch ang lakas ng tawa niya. Nabasag ang katahimikan nang magsalita siya.



"Zyle.." Tawag nito. Tumingin ako sa kaniya at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang luhaan ang mga mata niya, kasabay nito ang pagtaas-baba ng apple's adam niya.


Nag-alala ako bigla. "Bakit? May masakit ba sa'yo?"


"Zyle, I'm sorry." Doon na tumulo ang luha niya. Kumunot ang noo ko sa salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko napigilan ang magtaka. He's sorry for what?

Unexpected Love | COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang