Chapter Six

231 54 14
                                    

IVONE'S POV.




Nakatulog na si Zyland sa tabi ko pagkatapos naming makakain ng ipinamili nila Zyle at Javen. Napag-usapan rin namin ang tungkol sa studies namin at marami pang iba. Si Kenzi, Javen, Zero, Zyle, si Daddy, Zyland, si Ivan Chase, at si Mommy ang narito sa kwarto ko. May ilang estudyante rin ang bumisita sa akin na kakilala ng aming pamilya, limitado lamang kasi ang pu-pwedeng pumunta dahil ayaw ni Daddy at Mommy ng masyadong crowded ang kwarto ko dahil baka magdulot daw ito ng masama sa kalagayan ko kahit na simpleng gasgas lang naman ang natamo ko.


Nagpatulong ako kay Ivan Chase para makaalis sa kama at maka-upo sa sofa na kanina ay tinutulugan ni Daddy dahil hindi na ako kumportable sa kama ko, hinayaan kong doon na makatulog mag-isa si Zyland. Kaming lahat naman ay nasa sala at nanonood.



"Mom, kailan lalabas ang kapatid ko?" Tanong ni Ivan Chase kay Mommy.


"Izen and I have already talked to the doctor, ang sabi ay pwede na raw bukas."


"Hmmm...Kenzi?" Tawag ko. Tumingin ito sa akin. "Any news about the students?" Pagtukoy ko sa mga barumbadong humampas sa akin.


"Yep. Ang sabi ng Lolo mo ay bukas na bukas, ipapatawag ang parents nila. They will also receive two weeks of suspension." Sagot niya. Tumango naman ako.


"I see."



Napuntang muli sa telebisyon ang atensyon naming lahat. Movie Marathon ang napagpasyahang gawin ng aking kapatid at mga kaibigan. Kasalukuyan naming pinanonood ang Paper Towns ni John Green. Hindi ko na pinanood iyon dahil nakakaiyak na ang scene, natagpuan na ni Quentin si Margo. Pero mukhang hindi 'yon inaasahan ng babae.



'Unexpected...'



Kinuha ko ang phone ko sa katabing lamesa ni Ivan Charles. Bahagya 'tong gumalaw papalapit sa akin ng makuha ko na ang telepono at tinitigan nitong mabuti ang screen.



"What?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya.

"Nothing!" Itinaas niya pa ang dalawa niyang kamay sa ere at biglang naningkit ang mata nito. "Are you hiding something from me?" Tanong niya.



'A-Anong hiding hiding ka dyan?!'



"H-Hoy! W-Wala akong t-tinatago!" Sabi ko.


"Then why are you stuttering like an injured elf? I think you're lying." Aniya. Tumingin pa siya sa phone ko. "Do you have a boyfriend?"

"I have none, Ivan Chase." Sabi ko pero mukhang hindi pa rin ito naniniwala. Ngumisi pa siya sa'kin kaya pinagpapalo ko ang braso niya.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon