Chapter Twenty - Nine

106 11 2
                                    

IVONE'S POV.



Nang makabalik na si Shark sa upuan niya ay hindi ko mawari ang nararamdaman ko, bigla na lang akong napangiti at hindi ko alam kung bakit. Maybe because I'm happy when I'm talking to him? Dahil ba mabait siya? Masarap kausap? Hindi yung tipong pinapatay agad ang usapan? I don't know. Baka dahil iyon ang mga tipo ko?


Oh well, since nandito na rin naman lahat, ibinaling ko na lang sa kanila ang atensyon ko. Naramdaman ko rin ang presensya ni Vidanes sa tabi ko but I didn't mind him. It's time to NOT feel his presence anymore.


Nagsalita si Sir, "I am happy to see some paintings, Pascal. Let's start?" Aniya sabay ngiti.


"Yes, Sir!" Sagot namin.


"Let's begin with you Ms. De Irio, since kakabalik mo lang mula sa napakahabang bakasyon mo." Nginisian ko lang siya.


Wala na akong nagawa kundi tumango at tumayo, naglakad ako papunta sa unahan kung saan ay nay inilagay si Sir na isang canvas, doon ko inilagay ang painting ko. Nakarinig naman agad ako ng mga papuri ngunit di' gaya ng dati na nginingitian ko sila, ngayon ay wala akong reaksyon. Bahala kayo.



"This painting is..." I sighed, not knowing what to say. Tinignan ko sila at nakatingin lamang ang mga ito sa painting ko, some of them are looking at me, but one caught my attention.


He wasn't.


Aaminin ko, kahit na gusto kong umiwas sa kaniya? Gusto ko din siyang lapitan. Kahit na ayaw ko siyang tumitingin sa akin, bakit parang... nanghihinayang ako kapag hindi nga siya nakatingin? Ang gulo ko! Letse.


Tumikhim ako bago magsalita, "Napagdesisyunan kong ito ang ipinta dahil ito ang nararamdaman ko... Well, not now, of course. The painting shows sadness, umiiyak ang babae, nakayuko. I painted this because I was related to it. The girl's name is Vone..." wika ko.


No one answered, they kept on listening to me.


"Kaya siya lumuluha ay dahil iniwan siya ng lalaking mahal na mahal niya. Sino ba naman ang hindi maiiyak no'n?" Natatawa ko pang aniya. Natawa rin sila.


"That was what I felt when he left me too. Hindi ako lumabas, lagi akong nasa kwarto. I was wrecked, crashed, dumbfounded. I couldn't even figure myself out... As you noticed, ni hindi nga ako pumasok ng ilang buwan.." I started to tear up.


"A small break up made a huge effect on me." They all looked at him. It hurts. "Pero sa kabila no'n? Marami din akong natutuhan. Natutuhan kong magmahal muli. You only live once so make the best out of it. Hindi man ako naging sweet ng sobra sa kaniya, but at least I made him feel that he was loved. Madami. My brain and my heart learned a lot. I believed everything he said, every single word." Doon na ako nagsimulang umiyak. Parang kada may sasabihin ako ay sinasaksak ako ng unti-unti.


"But I was dumb, I was an idiot. Stupidity grew inside me. Naniwala ako sa kaniya, akala ko totoo ang lahat. He loved me and that was a lie. H-Hindi niya talaga ako m-minahal." humagulhol ako. Tumingin ako kay Vidanes, he was looking at me but one guy stealed my attention, si Shark. Nakaupo siya do'n, nakangiti ngunit nakikita kong nalulungkot din siya para sa akin. "Pinaniwala niya ako sa mga I love you's niya. He made me believe a lie. Then a something bad happened," bumuntong-hininga ako.


"What is that, Ms. De Irio?" tanong sa akin ni Sir.


"It's classified." I said.


"O-Okay then," nauutal niyang sagot sa akin. Tumango ako.


Pinunasan ko ang mga luha ko tsaka tumingin sa kanila, "Ayan! Hindi na ako naluluha, tsk!" Wika ko. Nagtawanan naman sila. "So ayun nga, gusto niyang makipag-break sa'kin ... Syempre, nung una, nagmakaawa akong bawiin niya yung sinabi niya, but he refused. I suddenly thought that his heart became stone cold. I was that stupid to say yes to him. Mahal ko siya eh, at naniniwala ako, kapag mahal mo, gagawin mo kung ano ang gusto niya. Stupid, right?" natawa kong aniya. Karamihan sa mga kaklase ko ay nagulat. I smirked.



'Why be so surprised, friends?'



"Oh? Bakit parang gulat na gulat kayo? Iba ba ang sinabi niya?" Turo ko pa kay Vidanes. "Well, I guess your beliefs are wrong. Siya ang nanakit, don't act like his the one I've hurt dahil hindi. I've heard a lot of rumors about me. Na iniwan ko siya, and others. YOU ARE ALL WRONG! At nabalitaan ko pang marami na daw estudyante ang salungat sa'kin? What happened, Sage? Bakit, naniniwala ba kayo diyan?" Turo kong muli kay Vidanes na deretso lang ang tingin sa akin.



"Naniniwala ba kayo sa ex-boyfriend ko? Tsa! Akala ko tunay kayo, akala ko kayo yung totoong mga kaibigan! Yes! You heard me right with both of your ears! Itinuring ko kayong kaibigan! Kahit na libo-libo ang estudyante dito ay itinuring kong kaibigan lahat! I treated you as family and how dare you betray me!" Galit kong aniya sa kanilang lahat. Napatungo naman ang mga ito.


"Kinampihan niyo ang isang lalaking ni hindi nga kayo magawang ngitian pabalik! Bulag ba kayo para hindi makita? I'm not saying that I'm better than him but damn! You know what? I can't even explain that shit anymore," hindi ko na itinuloy dahil baka mahusgahan ko lang silang lahat except for those who are true, at 'yon ay sina Zyle at ang mga pinsan ko.


I suddenly smiled. Parang mayroong bumubulong sa'kin na isigaw ang lahat ng hinanakit ko sa gymnasium, I wanted to call out a meeting.


"Lahat ba ng papuri na sinabi at isinigaw niyo sa'kin ay pawang kasinungalingan? You are all just a piece of dirty plastic that's made in fucking China! All of you are fake! I cannot belive you all." sabi ko. "Excuse me Sir, I can't handle this nonsense anymore." hindi ko na hinintay na sumang-ayon o tumanggi si Sir. Dere-deretso akong naglakad. 


Aaminin kong kahit na anong iwas ang gawin kong pag-iisip sa kaniya, his like a kid being naughty, nililigalig niya ako. Ang kulit niya. I'm so pissed. Naiinis ako sa sarili ko. Simpleng tao lang siya, Ivone. Iisang lalaki, why can't you forget him? Ganoon ba talaga kalakas ang tama mo sa kaniya? Mahal na mahal mo ba siya?


In an instant, someone hugged me. I was so broke at that time. Kahit na hindi ko alam kung sino ang yumakap, I hugged him back.


"Don't worry, alright? Everything's gonna be okay. I'm always here." The voice was familiar as if I heard it before.


I felt relief.

I felt comfortable.

I feel safe with him around.

It was him. It was Shark.


- - -

𝐄𝐧𝐝 𝐨𝐟 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘-𝐍𝐈𝐍𝐄

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now