Chapter Forty - Nine : Shark Villanueva

99 25 1
                                    

IVONE'S POV.



"Never in my life, I didn't imagine loving someone this hard." I whispered to myself. Bago ako makatungtong sa aming silid ay nagpakawala ako ng isang buntong hininga.


Tinignan ko ang lugar kung saan kami unang nagkakilala. Kahit na inaapak-apakan, kahit na puro dumi ngayon, magiging isang magandang alaala ang lugar na ito sa akin. Habang tinitignan ko ay nagkakaroon ng tao doon, isang babae at isang lalaking nagsasagutan. Burado ang mukha ngunit alam ko... alam kong kami iyon. Naramdaman kong muli ang pag-init ng mga mata ko, may mga luha na namang nagbabadyang tumakas.


"Grabe talaga. I really hate her! She's so cruel to him!" Dinig kong sigaw ng isang babae. Mukhang nanggaling sa third year. 


"Ivone doesn't deserve Zayden. Ang sama niya! If only I had a knife I would kill her!" Sabi naman ng isa. Nanggigigil ang pagkakasabi niya nito.


Hindi ko na lamang iyon pinansin at pumasok na ako ng tuluyan sa classroom namin. Kakaunti pa lang ang Pascal, siguro ay nasa baba pa ang iba. Naglakad ako papalapit sa upuan ko at doon inalapag ang bag, tinignan ko sina Zyle sa aking likuran na nakatingin lang pala sa ginagawa ko. I faked a smile. Ibinalik ko ang paningin ko sa upuan, tinignan ko ang mga kalapit nito. But my stare remained on his chair.


I shouldn't be like this. Hindi ko dapat pinapakita na nalulungkot ako at mukhang nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon. The more I do that, the lesser the chance of him not giving up on me, mas kakaunti ang tyansa kong makita at makasama ang tatay ko. Oh for pete's sake, aaminin kong kahit na nagkaroon ng kasalanan sa amin si Daddy, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kaniya. I love him of course, he's still my dad, he's my only dad. His blood flows through my veins, kung wala siya, wala ako. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga ginustong aminin ang ginawa niya. But I couldn't live with guilt inside me! Alam ko naman na hindi iyon makabubuti sa pamilya, sa aming lahat pero sa pamamagitan no'n, para ko na ring tinra-traydor ang sarili kong ina. And add this, galit na galit talaga ako sa kaniya nung araw na iyon dahil alam kong uulitin niya! He's going to do what he has done for me for the past years!


At syempre, hindi na ako tanga para pumayag o maniwala sa kahit na anong sasabihin niya. I will not let him separate us. Pero ano na ang magagawa ko? Maging si tadhana, ayaw sa amin, ayaw kaming magkatuluyan, ayaw kaming maging masaya! Destiny has done it! Siya na mismo ang gumawa ng paraan para magkalayo kami.


Nang malaman ko ang ginawa niya kay Lloyd, bumalik lang ang galit ko sa kaniya. Baka nga mas nadagdagan lang iyon. Lloyd was my first love, nagkakilala kami noong elementary at hindi ko inaasahang magkakagusto ako sa kaniya. Oo, ako ang naunang nagkagusto. Mabait si Lloyd, generous, gwapo siya pero hindi siya katulad ni Zayden na hinahabol ng mga babae. Yung pagka-gwapo niya kasi ay parang 'baby face' ang dating pero salungat iyon sa ugali niya. I hate to say this but, I admire him for being so arrogant. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan nang dahil sa pagiging arogante niya, maybe I just liked the sense of having an arrogant guy arround.


Maybe that was my type, an arrogant guy.


Nagkaroon ng kaunting twist ang not so luvish love story namin no'n. Bakit? Ayaw sa kaniya ng parents ko dahil ang mga magulang ni Lloyd, sina Tita Hazel at Tito John, ang may-ari ng kompanyang kinakalaban ang kompanya ng mga De Irio. We were ahead of them, actually, pero iba kasi ang way ng pakikipag-kompetensya nila, they started giving bad rumors about the company. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, naging matatag kami ni Lloyd.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now