Chapter One

554 71 70
                                    

IVONE'S POV.


Iniwan ko na ang mga estudyanteng nanood sa eksena namin kanina nung lalaki iyon. Nag-salubong ang kilay ko at sandali pa akong napapikit ng maalala siya. Nang makarating na ako sa canteen ay nakita ko kaagad si Javen at Zero na may dala-dalang tray ng pagkain. Sumenyas ito sa'kin na doon ang table nila kaya sumunod ako sa kanila.


"Ivone! Bakit ang tagal mo naman ata? Pina-order ko na tuloy sila Zero..." Aniya habang tinutulungan ang mga lalaking ilapag ang pagkain.


"Hoy babae!" Bungad sa'kin ni Zyle. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ahh...w-wala nakalimutan ko na...ay naalala ko na pala!" Minsan ay naiisip ko kung baliw ba 'tong si Zyle o baliw lang talaga siya. "Bakit pala ang tagal mo?" Aniya.


"Wala...may bumangga lang sa'king lalaki kanina..." Tumango lang siya at nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ko na kailangang i-explain sa kanila ang nangyari.


Naalala ko nanaman siya. Gwapo nga, wala namang taste sa pananamit. Nag-sorry nga nung nabunggo niya ako, pero parang hindi naman sincere. Tss.


"Hala! May quiz pala kay Mrs. Cabigao mamaya!" Bulalas ni Kenzi. Nilingon siya ng kalapit niya, si Zero na animo'y may itatanong. Kumuha ako nung cake.


'Oo nga pala...Nawala sa isip ko...'



Sumubo ako nung cake. Nanlaki ang mga mata ko at ninamnam pa ito dahil kakaiba ang lasa nito ngayon. Bakit biglang sumarap ang cake sa canteen?


Sunud-sunod kong sinubo ang pinira-piraso kong cake. "Ehem! Ehem!" Ubo ko dahil nasamid ako. Inabutan naman ako ni Javen ng tubig. "S-Salamat...Ehem! Ehem!" Ubo kong muli.


"Tsk! Magdahan-dahan kasi!" Ani Javen.


'E ang sarap eh!'


Susubo pa sana ako ng maramdaman kong basa ang ulo at uniporme ko. Nabitawan ko ang tinidor at dahan-dahang humarap sa likuran ko.


'Hala! Si Ivone!'

'Ang rude nila!'

'Kawawa naman si Ivone oh!'

'Naknampucha kayo! Dun kayo sa kanal!'


"That's what you get! Ang kapal naman talaga ng mukha mong siga--" Hindi siya nakatapos sa sasabihin niya dahil tumayo ako at inamoy ang sarili ko.


'Orange juice...tss..'


"Sino kayo?" Tanong ko sa grupo ng mga babaeng nasa harapan ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan nila. Mga-nakasibilyan pa ito. Transferees. Nag-ngisian lang sila. "Uulitin ko...sino kayo?" Pero hindi pa rin sila sumagot. "Lintek. Tagalog na't lahat hindi pa rin alam? O eto, ingles. Who are you?" Sabi ko. Tumawa sila ng malakas.


'Kapag nalaman ng mga pinsan ko ang ginawa niyo...malilintikan kayo panigurado...Pasalamat kayo at nasa ibang bansa sila, pero pagbalik nila, tignan natin kung kaya niyo pa akong tignan sa mata...Tss.'

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon