Chapter Thirteen

167 32 12
                                    

Ivone's POV.


"I have feelings--"


"ZJ!" Umaalingawngaw na sigaw ng isang babae. Sabay kaming lumingon ni Vidanes at nakita ko ang isang babaeng may 'di kalayuan sa edad namin. I think she's college.


Habang papalapit siya ay binasa ko ang nakalagay sa name tag niya na mayroon din ako, lahat ng estudyante. Doon nakalagay ang apelyido at ang section ng student. Virgo ang section niya at Villanueva ang surname niya. So...Classmates sila ng kapatid ko? Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ulit sa babae.



"Oh! Sorry! Mukhang na-istorbo ko yata kayo." Matamis niyang aniya. Tumingin siya sa akin at nag-peace sign siya.


"Why are you here?" Iritadong tanong ni Vidanes habang nasa akin pa rin ang tingin.


"Kase wala ako do'n." Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa ngunit ng tignan ako ng masama ni Vidanes ay tumigil ako. "Duh? Hindi mo ba natanggap yung message ko?"



A part of me got hurt. So text mates sila? How cool.



"Naka-off ang phone ko. At nakikita mo naman na may rehearsals ako ngayon." Malamig niyang tugon sa babae. How rude of him.


Inirapan siya nito. "Mom texted me at sabi niya sa'kin ay utusan daw kitang tanungin ang partner mo kung anong kulay ng isusuot niyang gown para ma-bilhan ka na ng suit para sa party! Where's your mind at, ZJ?"



ZJ? Huh? 'Yon ba ang pangalan niya? Anong ibig sabihin nun? Kahit pangalan ni Vidanes ay alam ng babae, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mainggit sa kaniya. Envy is wrong.



Tumingin si Vidanes sa akin. "Nasa kaniya."



Holy crap. Oh my god! Sinabi niya ba talaga 'yon? Bumilis ang paghinga ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya! He really has his own way of saying it.



"Oh well, just inform her if your partner has already told you her gown. Keep your head up! Para kang naubusan ng brief! I'll see you later, bye!" Gusto kong matawa sa sinabi ng babae at sa gulat na reaksyon ni Vidanes. Ngunit napapikit ako at napakagat sa labi ko ng makitang hinalikan ni Vidanes ang babae sa pisngi. Sh*t.


Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. My eyes were still closed, ayokong makita ang mga ginagawa nila, masasaktan lang ako. Halos magusot na ang palda ko dahil sa higpit ng hawak ko sa mga ito. Ngunit hindi na ako mapakali, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nandoon si Vidanes, mag-isa. Ang mga mata niya ay nasa akin ang tingin. Wala na rin ang babae. Aaminin kong no'ng unang beses ko pa lang siyang makita ay totoong na-gwapuhan ako sa kaniya. Medyo magulo ang kaniyang buhok kaya mas lumalakas ang dating niya. As in, I think he's a walking visual god to be exact. Yung tipong mapapanganga ka na lang at mapapatigil sa kinatatayuan mo kapag dumaan siya sa harap mo. He's that type of guy. Lalaking akala ko noon ay hinding hindi ko magugustuhan ngunit nagkamali ako dahil nangyari na.



"I have ears, Ivone. I've heard that you have feelings...can I ask you something? Para kanino? Kanino ka may nararamdaman?"



Sa lalaking nasa harapan ko. Sa isang lalaking nakabangga ko lamang, nasigawan ko, pinagdudahan ko, sinisi ko, sa'yo. I'm so cruel, right? But I'm regreting everything, napakalaking pagsisisi ang ginawa ko dahil hindi ko dapat pinagbintangan ang isang taong inosente pala sa mga nangyaring masasama sa akin. I shouldn't have blamed you and because of that, I'm sorry. Ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Ang isang patawad ba ay maibabalik ang nararamdaman mo sa akin? Sapat na ba 'yon para ako ulit ang maging gusto mo? Fvck! Masyado na yata akong nag-aassume at nagiging desperada sa'yo!



Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now