Chapter Forty - Seven : Her Choice

97 23 0
                                    

IVONE'S POV.



Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko dahil sa narinig kong ingay. If only I could break out but I can't. Sobrang higpit ng pagkakatali sa akin sa bangko. I could also feel my body aching as I move. There were so many questions in my head that wanted an answer.


Why were they after us? Bakit nakuha nila si Zach gayong kasama naman niya ang parents niya? Posible kayang kinuha rin sila? Paano si Mommy? Is she okay? Nasaan kami? What do they want from us? I cried silently as I took a deep breath. Iginala ko ang paningin ko sa lugar, kalapit ko si Taze at si Kuya River but there were no sign of the older ones, wala rin dito si Zach. Tanging kami lang magpipinsan ang nandito sa kwartong ito. I wanted to scream, I wanted to yell for help but then I realized, kung gagawin ko iyon, baka mas lalo lang kaming mapasama.


So I just whispered. "Taze..." Tawag ko sa pinsan ko na unti-unting nagmulat ng mata. Kagaya ko ay nagulat din siya at nagpumiglas but I said stop.


Nagkaroon ng kaunting ingay ang ginawa niyang pagpupumiglas kaya nagising ang iba naming pinsan which was good. Mabuti na lang at walang bantay dito sa loob, I only see shadows of two men outside the room.


"Let's be quiet." Wika ko sa kanila.


Isa-isa kong tinignan ang mga pinsan ko, si Nathan at si Quin lang ang naiiba ang pagkakatali sa aming lahat. Bad guys will always be jerks. Mukhang alam na nilang dalawa kung bakit ko sila tinanguan, kinapa nila ang bulsa ng mga jacket at kinuha ang kutsilyo doon. Malaya nilang nagagawa ang kahit na anong gusto nila dahil hindi naitali ang mga kamay nila. Mabilis nilang naputol ang tali sa kanilang mga paa. Sinunod nila si Ivan Chase at si Lake.


Nakarinig ako ng mga yapak mula sa labas. Tinignan ko sila, ang tali na lang ni Ivan Chase sa kamay ang kailangang tanggalin. I guess Nathan has skills for knives, mabilis niya iyong naputol. Narinig ko ang mas lumalapit na mga yapak. "Hide!" Medyo pasigaw kong wika.


Bumukas ang pintuan at lumabas doon ang isang babae na hindi malayo ang edad sa amin. Kasunod niya ay ang mga tauhan na kanina ay nasa labas ng kwarto na aming pinagkukulungan. Nakita ko ang apat kong pinsan na nakalabas. But the girl noticed some of us missing.


"Bakit kulang ng apat?" Tanong niya. I was surprised when she was looking at me. Kilala niya ako? Maybe... But I am not familiar of her face.


"Malay ko." Simple kong sagot. Lumapit naman siya sa akin at madiin na hinawakan ang baba ko. "Tss... Pikon." Sabi ko pa. Sinadya kong sabihin 'yon para magalit siya at sa akin lang mapunta ang pansin niya. Pati ang mga tauhan nito ay nasa akin lang ang paningin.


Nakita ko ang pagbalik ni Nathan. Isa-isahin mo na sila habang maaga pa.


"How dare you say that to me!?" Sigaw nito sa mismong mukha ko. Ilang segundo pa ang lumipas ng bigla siyang matawa. "Oh! Ivone! Ikaw pala! Kumusta kayo ni Zayden?" Tanong nito. Parang bigla na lang akong kinabahan.


Bakit niya kilala si Zayden?


"Before you ask kung bakit ko kilala ang boyfriend mo. Easy, I'm from SIU." Aniya.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon