Chapter Forty - Six : Kill or Die?

116 20 2
                                    

IVONE'S POV.


Gusto kong murahin isa-isa ang mga pinsan ko. Paano ba naman kasi, iniwan akong mag-isa dito sa sala. Lahat sila ay nagbihis katulad ko. I have decided to not think of Dad, I am here at US to calm and relax my mind. Sa ngayon, magsasaya ako. No problems, nothing.


As I seat at the sofa, nakatanggap ako ng message galing kay Zayden.


From: Nae Agi <3

- Gusto kitang sundan dyan.


I pouted. Namimiss ko na siya kahit na kahapon lang kami nakalapag dito. I quickly typed a message for him.


To: Nae Agi <3

- I'm gonna be back, soon. Alright? Don't worry.


Na-iimagine ko na malungkot ang mukha niya ngayon kaya habang naghihintay sa response niya ay naka-frown ako. If only... Kung pwede lang na ilapit ko ang America sa Pilipinas ay gagawin ko.


From: Nae Agi <3

- I wish you were here, nae agi. Pakisabi pala kay Nathan na happy birthday. Can you do me a favor, nae agi? Send me a picture of you, right now.


Napakagat pa ako sa labi ko habang binabasa ang mensahe niya. Ibang-iba ang itsura ko ngayon kaya kinakabahan ako. Hindi ito ang nakasanayan niya sa'kin. He's used to see me wearing floral dresses, mga blouse o kahit ano pang 'pambabae' talaga. Hindi ito. Pero wala na dapat akong ikatakot, he needs to accept what I am wearing. Kaya walang anu-ano'y kinatok ko si Lake para lamang kuhanan ako ng litrato.


"What?" Aniya at lumabas. Naamoy ko ang Lacoste nitong pabango. Kagaya ko ay naka-leather jacket din siya at kulay itim din ang panloob nito, maging ang sapatos niya na Converse ay itim.


"Picture, please?" Pagpapa-cute ko sa kaniya.


"Fine." Aniya at kinuha ang cellphone ko. Pumunta kaming dalawa sa isang gilid ng sala at doon niya ako kinuhanan ng litrato. "Thanks!" Sabi ko nang matapos.


Pumasok na ulit siya sa kwarto ng mga lalaki at naiwan ako mag-isa. Sinend ko na kay Zayden ang picture ko na nakasandal sa pader. Muli akong kinabahan ng makatanggap ako ng reply sa kaniya. Nagustuhan niya kaya? Paano kung hindi?


From: Nae Agi <3

- HOT.


Napatalon ako sa saya. Mabuti naman at nagustuhan niya! Nag-type ako ng reply sa kaniya, nagpasalamat ako dahil nagustuhan niya at sinabi kong may pupuntahan kami ng mga pinsan ko. Nagkaroon ng ingay sa sala ng magsilabasan na silang lahat. Ang maliwanag na bahay ay dumilim ng dahil sa mga kasuotan namin. Agaw pansin ang mga lalaki, syempre. Pero ng mamataan ko ang suot ni Oceana ay napanganga ako. Nakakulay itim siyang body con dress, may shoulder bag na itim, at may shades din.


"We should take a picture." Namamangha kong aniya. Kinuha ko ang DSLR ni Trin sa coffee table at isinigaw ang pangalan ni Manang, sumama rin siya dito sa America. She's part of the family too. "Manang, kuhanan niyo po kami ng picture, please?" Sabi ko.

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon