Chapter Seventeen : Missing

162 26 19
                                    

IVONE'S POV.



"Baby shark doo doo doo doo doo doo...Baby shark doo doo doo doo doo doo.."


"Nice ringtone." Natatawa kong aniya sa kapatid ko.


Sinamaan niya ako ng tingin. Kinuha nito ang telepono at sinagot ang tawag. "Goodmorning, babe." Humagalpak ako sa tawa. "Ahh yes...Si Ivone yung tumatawa...Really? You're going?...Sige sige...Of course, I'm handsome later! Kaya matakot ka na...Hahaha, sige...Bye...I love you!" Ibinaba niya na ang telepono.




Si Jazine siguro ang tumawag sa kaniya. Papunta nga pala kami ng school. And yes, kotse ko ang gamit namin dahil kahapon daw ay yung kaniya. Nagtalo pa nga kami para lang dito. We even played rock, paper, and scissors. Hindi ako natalo, nagpatalo ako sa kaniya.


May klase pa kami ngayon pero half day lang. Hanggang 12:00 pm lang kami dito sa school dahil ang sabi ng mga guro ay baka daw kakaunti na lang ang oras ng mga estudyante para makapag-handa sa gaganaping event sa SIU. Ang oras kasi ng party ay 7:00 ng gabi hanggang 12:00 midnight, may after party pa na gaganapin din dito pero overnight naman 'yon. Pwede na ring umuwi ang ibang estudyante pagkatapos ng mismong party pero kami ng mga kaibigan ko ay hindi uuwi. Alam na rin 'yon ng parents namin.


Nang marating na namin ang school ay dumeretso ako sa area ko. Nag-reklamo pa ang kapatid ko dahil doon daw sa bago niyang area mag-parke, ang sabi ko naman, akin ang kotse kaya sa area ko dapat kaya wala na siyang nagawa kundi manahimik na lang. Naririnig ko pa ang ilang mga bulong nito ngunit hinayaan ko na lang siya. Sabay kaming bumaba ng kotse at iniwan na 'yon doon.


Nakita ko ang mga kaibigan ko kaya lumapit ako sa kanila. Ang kapatid ko naman ay pumunta sa mga kaibigan niya na kaklase niya.



Agad na hinanap ng mga mata ko si Zayden. "Nasaan si Zayden?"


"Ay grabe, wala man lang goodmorning?" Reklamo ni Zyle.


"Baka late lang, dadating din 'yon." Ani Javen. Tumango ako.



Naglakad na kami paakyat sa aming floor dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang klase namin. Hindi nawala ang party sa usapan namin kanina habang naglalakad. Maging ang mga estudyante ay ito din ang bukang-bibig. Bawat tao na makakasalubong namin ay tungkol sa party ang pinag-uusapan. Kaya mas lalo akong na-excite para mamaya. Pumasok na sa aming classroom si Sir Pantuan. Nakataas ang isa nitong kilay at nakapamewang pa.


Mukhang badtrip na naman.


"Ano? Hindi ba kayo tatayo para batiin ako? Such a disappointment, Pascal!" Masungit niyang aniya. Umirap ako sa kawalan at tumayo, tumayo na rin ang mga kaklase ko.


"GOODMORNING SIR PANTUAN!"


Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now