Chapter Thirty - Seven

70 10 6
                                    

IVONE'S POV.



Nang makapasok na kami ni Zayden sa kwarto ay pinaupo ko kaagad siya sa kama dahil alam kong hirap siyang maglakad at baka kung mapaano pa siya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang ginagawa ko ito, hanggang ngayon, hindi ko kayang maniwala na kasama ko siya ngayon, na ako ang mag-aalaga.


"I-I'll just g-get you some w-water." Sabi ko. No I was not going to, ayaw ko lang talaga siyang kasama, hindi ako kumportable lalo na dahil lalaki siya.


"H'wag na... D-Dito ka muna..." Sa tono niya palang na 'yon ay para bang sobra akong nalungkot.


Hindi na ako umimik, umupo na lang ako dun sa sofa ng kwarto niya. I was not looking at him but I know that he was to me, minsan kasi, kapag dadaanan ko siya ng tingin ay nakikita ko. Nakaramdam naman ako ng sobrang pagkailang kaya nagsalita ako.


"Stop looking." Seryoso kong aniya. But he did not stopped. "I said stop!"


"I can't, Ivone. You're too perfect to not look at." Just damn it with your words!


"Can you please stop calling me baby?!" Napipikon kong aniya.


"I miss you. I want you." That was almost a whisper coming from him. Para bang may kung ano akong naramdaman pero hindi ko mawari kung ano iyon. "Hindi ako susuko sa'ting dalawa, Ivone. Hinding hindi kita susukuan."


"Talaga?" Parang nawawalan ng pag-asang tanong ko sa kaniya.


I felt weird. Mukhang magpapaka-stupida na naman ako para sa kaniya.


"Yes, I am. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko dati. I promise, I will prove everything. Gagawin ko lahat ng gusto mong ipagawa sa'kin even if my life depends on it. I will. Mahal na mahal kita kaya handa akong magpakamatay para sa'yo. Ivone, I want to prove to you that I'm dead serious. Na hindi ko na ako yung gagong Zayden na nakilala mo the past months. I've changed, nakapag-isip na ako. Hindi na ako magpapa-uto sa iba, I will not be an idiot again." Tumayo siya at lumapit sa akin. Nagulat ako ng bigla na lang itong lumuhod. "I love you, De Irio. A-At alam ko rin sa sarili ko na nagkasala ako, na sinaktan kita, and I am so sorry about it. Kahit na hindi mo man ako kayang patawarin ngayon, handa akong maghintay. Kahit gaano pa katagal. Just please... Give me another chance and I will try to be the perfect guy for you."


Ito yata ang kauna-unahang beses na nakita ko siyang lumuha.


"Z-Zayden... Kasi... Natatakot ako na baka... Baka masaktan ulit ako..." Mahinahon kong aniya. Malungkot siyang tumango sa akin. Damn it. "P-Pero... Aish!"


"Please..." He begged.


Bahala na, kahit pa alam kong hindi magugustuhan ng mga tao ang gagawin kong desisyon, hindi ko na lang sila papansinin. What's the matter with following your heart and letting your mind think about what your heart feels? Anong problema doon? Please God, sana lang... Sana lang naging tama ang desisyon ko. Sabi nga ng pinsan ko, kahit kailan ay hindi naging mali ang magmahal. This is not wrong, right?

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now