Chapter Twenty - Six

125 16 25
                                    

JAVEN'S POV.



Naglilibot pa rin kami sa lugar. Kahit lalaki ako ay natatakot ako, sa totoo lang. Lalo na kanina nung may batang sumigaw at alam kong si Zyland 'yon. Sama-sama kaming pumasok sa loob ng ospital. Ipinantakip ko sa ilong ko ang panyo na dala ko dahil maalikabok sa loob at mabaho, amoy lumang gamit. Laking pasasalamat naming anim dahil may mga flashlight ang mga cellphone namin kaya medyo maliwanag pero sa kabuuan ng ospital ay napakadilim talaga. Para kaming naghahanap ng maliit na bagay sa buhangin.


Kahit na semento ang mga pader ay halatang matagal na itong nakatayo at napinturahan dahil ang ilang parte nito ay tuklap na ang pintura. Itinapat kong mabuti ang cellphone sa pader at puro pangalan ito. Pero karamihan ay simbolo na ginamitan ng kulay asul na spray paint. Mas kinabahan ako sa ideyang naisip.


Kulay asul. Bigla kong naalala ang mga nangyari noong nakaraang linggo sa kaibigan kong si Ivone. Posible kaya na yung mga estudyanteng nagbuhos ng juice at humampas kay Ivone ay mga tauhan ni Valdemor Monteverde? Hindi ko alam. Pero may malaking posibilidad na siya ang tinutukoy nung mga estudyante na pinakamamahal nila. Ngunit bakit...bakit kailangang madamay ni Zyland sa ganitong gulo? Kung titignan kasi ay labas naman siya do'n! Bakit parang kami ang pinupuro ng mga ito?


"Kenzi, pwede bang pakitawagan sina Mommy? Ubos na kasi ang load ko." Ani Zyle at tumingin sa gawi nila Kenzi, napatingin din ako. "Ken?" Tawag niya ulit ng hindi sumagot si Kenzi.


Bumilis ang tibok ng puso ko. "Kenzi? Nasaan ka?" Tawag ni Ivone ngunit wala pa rin!


"Tangina." Pagmura ko nang malaman na wala rin si Zero!


Posible kayang...kinuha rin sila? Damn it.


"'Wag niyo nang idamay ang mga kaibigan ko. Maawa naman kayo!" Sigaw bigla ni Zayden.



Kanina pa ako nagtataka sa'yo, alam mo ba 'yon? Sa tingin ko kasi ay may kinalaman ka dito sa nangyayari, mukhang kilalang-kilala mo ang mga taong nasa likod ng pagkuha kay Zyland. Ano bang nalalaman mo? Kinilabutan ako nang makarinig ng sunud-sunod na palakpak pero hindi ko alam kung saan 'yon nanggagaling. Nakarinig din ako ng tawa at sa tingin ko ay nanggaling 'yon sa ikalawang palapag ng ospital. Inilibot namin ang ilaw sa buong lugar at napako ang tingin namin sa isang babae na dahan-dahang naglalakad papalapit sa amin habang nakangiti. Sa likod nito ay mayroong dalawang lalaki na may dalang baril. Wala na kaming laban.



"S-Sino kayo?" Anas ni Zyle. Natawa lang ang babae. "What do you want from us?! Nasaan ang kapatid ko!" Sigaw niya. I came near her to caressed her.


"Oh? So you're his noona? He's been yelling that. Alam mo ba na halos mabingi kami sa pagsigaw ng lintik mong kapatid?" Lumapit pa ang babae. Akmang susugurin siya ni Zyle pero agad ko siyang pinigilan.



"E tanga ka pala eh! Sino bang hindi magsisisigaw kung basta basta sila kinuha ng mga taong hindi naman nila kilala?! Nasaan ang kapatid ko?" Sigaw ni Zyle.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now