Chapter Eight

226 49 23
                                    

IVONE'S POV.



I am not focusing on Information, Communication and Technology class, right now. No..I really can't focus! And its irritating! I mean his feet, its irritating! Kanina pa kasi iyon sanggi ng sanggi sa akin. Magkatapat kasi kami ng monitor nitong lalaking ito kaya posible ang pagkakabanggaan ng mga paa sa ilalim. Pero pakiramdam ko ay sinasadya niya ito!


Napahinto ako sa naisip ko. Don't assume to much, Ivone! Ikaw rin ang mapapahiya at mapapahamak and focus yourself! Muli kong sinubukang makinig kay Sir Atienza--ang guro namin sa ICT. I think he's discussing about PowerPoint III na kung saan, last levels na ng paggawa ng presentation ang pinag-aaralan, yung hindi basta-basta simple ang gawa. Pero kahit anong gawin kong pakikinig ay natutuliro pa rin ako sa kanya! He keeps on whispering while singing, sino ba naman ang hindi makakapag-focus no'n?


Nag-flash sa screen ang pinag-aaralan namin. Hindi na kailangang mag-lecture dahil otomatikong ipiprint 'yon ng ICT Secretary at ipapamigay sa amin ang mga papel. Mabuti na lamang at tinuruan ako ng lalaki kong pinsan na magaling sa ganitong mga aralin, siya kasi ang pinakamagaling sa buong De Irio pagdating sa computer and techno. Kaya niya ngang mag-activate o deactivate ng mga bomba pero binilinan siya ni Lolo na limitahan ang kakayahan niyang 'yon dahil baka ikapahamak niya. Use it if its needed, ika nga ni Lolo.



"Okay class, that's all for today. As your project, you will be paired into two's and will be making your own presentation at ipe-present niyo iyon sa harap ng ICT Department." Wika ni Sir Atienza habang inaayos ang mga papel. "Your partner will be of course, ang katapat niyo. So either you like it or not, you'll work with him or her. Ang hindi maki-cooperate ay otomatikong ipapadala kay Dean De Irio upang kausapin. Any questions?"



Just go ahead and kill me now. Gustong-gusto kong magwala, gusto kong mainis, gusto kong umiyak, gusto kong umuwi, gusto kong manabunot, gusto kong manampal. Lahat! Letse'ng buhay naman!



"Sir Atienza, would you mind if I ask you what topic we're gonna present?" Tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko ng tumingin siya sa akin tsaka ngumisi.


"Anything, Mr. Vidanes." Sagot ni Sir sa kaniya. Tumango naman siya tsaka umupo, ngunit pagka-upo niya ay naapakan niya ako!


"Aray! Punye--"



Pinigilan ko ang sarili kong bibig sa pagmura. Mabilis siyang kumilos at lumapit sa akin kahit na nilakad niya paikot ay mabilis itong nakarating sa pwesto ko. Hawak hawak ko ang paa ko dahil masakit talaga! Bakit kasi hindi nagdadahan-dahan!



"Sorry." Sinsero niyang paumanhin. Nagulat ako ng hawakan niya ang paa ko at masahihin ito. Agad akong napakilos ng makapa niya ang masakit na parte. "S-Shit! Sorry, does it hurt?" Natataranta niya muling tanong.


"Its okay." Pagsisinungaling ko. Gustong-gusto na kitang sapakin ngayon kung alam mo lang!

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon