Chapter Eighteen : The Party pt. 1

139 25 6
                                    

IVONE'S POV.



Kanina pa ako nandito sa bahay kasama si Ivan Chase. Hindi pa ako bihis dahil hinihintay pa naming dumating si Hames, ang make up stylist na mag-aasikaso sa akin para sa party. Kanina ay tumingin ako sa salamin ng kwarto ko, namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak kanina. Hanggang ngayon nga ay humihikbi pa rin ako kaya kapag humihikbi ako ay hinahangod agad ng kapatid ko ang likuran ko.


Alam kong galit siya. I can feel it. Galit siya kay Zayden dahil natatakot siyang maulit ang mga nangyari two years ago. Kanina nga ay nakakailang mura siya habang nasa school at habang pauwi kami. Siya ang nag-drive ng sasakyan kanina, he refused in letting me drive my own car. Buong umaga yata ay iyak lang ako ng iyak. I'm really worried, really. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko, hindi rin siya nagre-reply sa mga texts ko. Gustuhin ko mang magalit sa kaniya ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit siya wala, pero hindi ko rin alam kung anong nagawa kong masama sa kaniya. May nasabi ba akong mali? Nagkulang ba ako? Hindi ko ba naaabot yung standards na gusto niya sa girlfriend niya?


Kinausap na rin namin ang kapatid niya, si ate Zimmer. Sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko ang relasyon nilang dalawa ni Zayden. Ang sabi niya ay may inaasikaso lang daw ang kapatid niya kaya hindi daw nakapasok. Sobrang dami naman yata ng inaasikaso ni Zayden para simpleng text ko ay hindi niya man lang magawang reply-an? But like I said, I can't get mad at him. Kung ano man ang dahilan niya para hindi niya ako matawagan o kahit na mai-text man lang ay tatanggapin ko. Ayokong dahil dito ay mag-aaway kaming dalawa.


Alam na din nina Mommy na kanina pa ako umiiyak ng dahil kay Zayden. Inexplain ko naman sa kanila ang panig ko, na hindi ako galit. Hindi rin naman sila nagalit dahil baka nga daw may inaasikaso lang na mahalaga kaya hindi muna nakapagparamdam. Bumukas ang pinto at nakita ko ang isang babae. Si Hames.



"Sorry I'm late. Traffic." Sa pagkakatanda ko ay sa Manila siya nakatira. Halos araw-araw naman yata ay traffic sa lugar na 'yon kaya tumango na lang ako.


Tinulungan ko siya ni Ivan Chase na buhatin ang mga dala-dalang make up kit. "Baka maging manika ang kapatid ko. Don't put too much make up on her, please." Natatawang aniya ng kapatid ko.


For the first time, I laughed. "Oo naman, Chase. Mas bagay kay Ivone ang light." Tugon sa kaniya ni Hames. Pinakuha niya ng upuan ang isang kasambahay na agad namang kinuha ang inihandang upuan ni Manang. "Sit here, Ivone!"



Naglakad ako papunta doon. Nandito kami sa dressing room ng mansyon. May isang malaking salamin dito na ang laki ay kisame pababa sa sahig, so whole size siya. Doon ako sa salamin iniharap ni Hames kaya nakita ko ang sarili kong repleksiyon. Nilingon ko ang kapatid ko na kinakalikot ang mga gamit ni Hames.



"Hindi ko alam na interesado ka pala sa make up?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya.


He looked at me, blank expression. Natawa ako. "I'm not gay shit, princess."


Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now