Author's Note

141 25 3
                                    

Unexpected Love. Isang istoryang hindi ko inaasahang seseryosohin ko, ang kauna-unahang istoryang nakumpleto ko sa Wattpad. Yes, I have made stories, a lot actually, kaya hello sa mga nakabasa no'n. Hahaha. Pero napagdesisyunan ko na i-unpublish o i-delete na lamang ang mga iyon dahil nga nagduda pa ako sa sarili ko, naisip ko na... ang pagsulat ba talaga ang hilig ko o nakikisabay lang ako sa uso? I started writing at the age of twelve, at ngayon, trese anyos na ako nang matapos ko ang unang libro ng mga De Irio. Promise, hahaha. Hindi ko talaga inaasahang may magbabasa nito, may magvo-vote, o kahit may magco-comment. But I am very honored, maaaring hindi niyo ako nakikita ngayon pero habang tina-type ko ito, nakangiti ako.


Isang hello sa mga iniidolo kong manunulat, John Green at James Dashner. Kung wala po kayo, wala rin ako dito, isa kayo sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat. Salamat.

Sa mga kaklase kong walang sawa sa kakatanong kung sino si ganyan at sino si ganito. Nagsimula tayo sa pagsulat ng mga kwento kuno's natin sa mga notebook na hindi ginagamit, ngayon, nasa Wattpad na. Nakakaiyak kayo. Biro lang hahaha. Stay strong sa'tin, next generation, mahal ko kayo (alam niyo na kung sino kayo).

Sa mga kaibigan ko naman dito sa Wattpad, kahit na kakaunti kayo dahil medyo may pagka-introvert ang author niyo (MWEHEHEHE) at hindi marunong makipag-interact sa iba (legit), salamat dahil natiis niyo ang pagkabaliw ko at minsan ang pagsnob ko sa messages niyo. Isa kayo sa mga taong nakita ang napakakapal kong mukha dahil inalok ko sa inyo ang istoryang ito. Isa rin kayo sa mga nagbigay ng advice sa akin, salamat po talaga.

Sa lahat ng readers mapa-silent o maingay. Kaway tayo. Kayo talaga ang dahilan kung bakit ko naipagpatuloy ang istoryang ito, sana h'wag kayong umiyak dahil napaka-drama ko XD. Mahirap kayong isa-isahin dahil ang onti niyo (HAHAHA) pero siguro ay dadami din kayong mga tigre ko. H'wag niyo akong iiwan, ah? Ipangako niyo sa'kin na susuportahan ko kayo at gagawin ko ang lahat para ibalik sa inyo ang ginagawa niyo sa'kin. Mahal ko kayo kahit hindi niyo ako mahal (T_T). That's truth, pipol. Thank you for being with me 'till the end. Wow, english.

Sa pitong abnormal ng buhay ko. Nagkaroon ng perwisyo ang buhay ko simula 2015, ang taon kung kailan ko kayo nakilala. Grabe, tinuruan niyo akong magmahal ng pitong lalaki sabay-sabay! Ginawa niyo akong baliw. Pinapaos niyo ako kapag may bagong video kayo, may bagong album, at lalo na nung unang beses ko kayong nakita. NAKAKAINIS lang dahil... ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako mahihilig sa K-Pop pero bakiiiit? Bakit ako nahilig? AHAHAHA. Hi sa'yo, RM, Suga, Jin, J-Hope, Jungkook, Jimin at kay V. Salamat sa lahat ng kasiyahan na idinulot niyo sa'kin, salamat sa lahat. Stay strong sa'tin ng mga kapwa ko! Saranghaeyo.

To my familia, yeys naman. HAHAHA loko lang po. Thank you sa moral support, guys! Sasabihin ko 'to kahit na hindi niyo po alam na may sinusulat ng kababalaghan ang anak niyo. Charot lang.

To God Almighty, thank You for the blessings.

---

Date Started: December 19, 2017

Date Finished: April 4, 2018

Unexpected Love by zineeee_

---

No soft copies available. Kaya shut up kung ayaw masapak.

© 2017 All Rights Reserved.

---

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon