Chapter Eleven

163 32 6
                                    

IVONE'S POV.



It has been a week since he started being cold to me. He said he needed space, so I gave it to him. I can't understand, oo alam kong gusto niya ako pero bakit kailangan niyang mag-date ng ibang babae? At bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siyang may kasamang iba at hindi ako 'yon? Para akong sinasaksak sa tuwing makikita kong may iba siyang kahawakan ng kamay, para akong mamamatay sa tuwing makakasalubong ko siya at gano'n na lang ang pagdaan niya, akala mo ay hangin ako.


I didn't reject him. Hinayaan ko lang siya sa nararamdaman niya para sa akin. At hindi naman ako nagalit sa kaniya. What I'm hating is that...bakit ganito ako? Oo, aaminin kong nagseselos ako sa mga babaeng nililibre niya sa pagkain, lagi niyang kasama, at halos ihatid niya na. I'm jealous and I can't hide it anymore.


Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pang may kasama siya araw-araw, at babae pa! Tss! Iniisip niya bang tinanggihan ko siya? No! Hindi ko siya ni-reject at hindi ko gagawin 'yon! Trash this! Nabi-bwiset na ako!


Hindi ko na nakayanan ng makita kong halikan siya ng babae sa labi. He wasn't surprised at hindi rin siya lumayo. Sa halip ay dahan-dahan niyang inalis ang labi niya sa babae. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. "M-Mauna na ako.." Umiiyak na pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. Alam na rin nila ang lahat. Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis na sa canteen.


Sa paglakad ko ay humahagulhol ako kakaiyak. Ganito ba talaga katindi ang epekto niya sa akin? Kasi...nasasaktan na talaga ako. Isa lang naman ang ipinahihiwatig nitong mga nararamdaman ko, yung pagseselos ko, yung naiinis ako kapag hindi niya ako pinapansin, isa lang talaga...mukhang may nararamdaman na ako para sa kaniya. At nakakalungkot isipin na baka wala na siyang nararamdaman para sa'kin. So I'd better stop this, kesa umasa ako. Tama, ititigil ko na 'to habang maaga pa, dahil sa tingin ko naman ay may gusto na siyang iba.


Pero hindi ko kaya! Para ko na ring pinapatay ang sarili ko sa pag-iisip pa lang na dapat ko nang itigil ang lahat ng 'to. Parang sinasabi ko na rin sa sarili ko na, susukuan ko na lang.


I wiped my tears away. ICT na kaya sa computer room na ako dumeretso. Naalala ko ang nangyari sa presentation namin, wala. Hindi kami nakapagpasa dahil hindi kami nagkausap, kaya wala rin kaming nagawa. Pero hindi naman kami binigyan ng blangkong grade ni Sir Atienza, sa halip ay binigyan niya na lang kami ng ibang project, 'yon nga lang ay hindi pa niya sinasabi sa amin. Nakita kong pumasok si Sir Atienza sa room ngunit wala pa rin si Vidanes. Pakiramdam ko ay bigla akong inantok dahil sa pag-iyak ko kanina kaya tumungo muna ako.


Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumukas ang pinto at sabay-sabay kaming napalingon sa pumasok, parang sasabog ang puso ko sa nakita ko, it's him, holding another girl's hand. And it badly hurts like sh*t. "Oh? Saan kayo galing ng girlfriend mo? Date?" Wika ni Sir.


Nagtama ang mga paningin namin ni Vidanes ngunit iniwas ko kaagad ang mga mata ko. "Sorry for being late, Sir." He was too cold. Hindi ko na siya tinignan. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa katapat kong monitor. Now this is intense.


Nag-init ang gilid ng mga mata ko. He didn't even deny it, ni hindi niya itinanggi na girlfriend niya ang kasama niya kanina. Just accept the fact, Ivone. He's already over with you.

Unexpected Love | COMPLETEDWhere stories live. Discover now