Chapter Two

374 62 67
                                    

IVONE'S POV.


Kakarating lang ni Zyle sa room namin. Hindi ko maiwasang mangiti sa itsura niya.


She looks happy...


Paniguradong nagkabati na sila ni Javen.


Matagal ko nang kaibigan si Zyle, mas nauna siya kay Kenzi dahil nakilala ko si Kenzi noong nag-bakasyon kami ng pamilya ko at nila tito Kyle-tatay ni Zyle. Kasama rin namin ang mommy niya. Nung nasa Korea kami, marami kaming pinuntahan, lalo na ang Jeju Island na pinaka-paborito ko sa lahat.


Sikat ang apelyido namin sa Korea dahil ang great grand-father ko ay naging kanang-kamay ng kanilang presidente noong siya ay nabubuhay pa. Kaya pagkalapag pa lamang namin sa airport ng Korea, mainit na ang pag-welcome nila sa amin.


Doon ko nakilala si Kenzi, anak siya ng anak nung tinutukoy kong presidente na ang kanang kamay ay ang great grand-father ko. Mabait si Kenzi, maganda, mayaman, at higit sa lahat, siya yung kaibigang hindi ka papabayaan.


Parehas sila ni Zyle, pero si Zyle, iba ang way ng pagpapakita niya ng concern, maaaring hindi niya pinapahalata sa pamamagitan ng pagsasalita niya, pero mararamdaman mo kapag totoong nag-aalala siya sa'yo. Si Kenzi naman ay kabalikataran no'n.


Para sa'kin, hindi ko sila kaibigan, hindi ko sila bestfriend, itinuring ko silang kapatid, kapatid na alam kong hinding-hindi ako iiwan.


Napukaw ang atensyon ko ng pumasok ang isang lalaking all black pero naka-white na t-shirt siya sa pang-taas niya. Siya yung lalaki kanina.


Pinigilan ko ang sarili kong magmura ng tawagin niya ako. "Oh Ibon!"


Napapikit ako.


'Leche ka!'


"Hindi ko inaasahang magka-klase tayo!" Iniharang pa nito ang kamay niya sa bandang mukha ko na animo'y nakikipag-apir.


'Feeling close masyado...tss.'


Hindi ko pinansin ang kamay nito. Siya ang kusang nagbaba ng kamay niya, tinignan ko siya, napahiya siya pero hindi niya ipinapahalata sa mukha niya.



'Waaaaah! They know each other!'

'Naiinggit ako kay Ivone! Huhuhu!'

'Bagay silaaaa!'

'MANAHIMIK KAYO!!!'



Sabay sabay kaming naglingunan sa harap dahil doon sa malakas na sigaw. Si Sir Pantuan! Biology na!


"Mukhang may bagong daga ang Pascal?" Ani Sir. Yung lalaki ang tinutukoy niya.


*AUTHOR'S NOTE: Ang Pascal ay ang first section ng 4th year highschool, while Ptolemy which is pronounced as to-le-mi ay ang second section naman. Karagdagang kaalaman! Mwah!*

Unexpected Love | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon