PROLOGO: SINO SI TRACY?

4.7K 99 19
                                    



NANG pasukin ni Buhawan ang mga ginto, lahat ng mga kadwa ay umalis sa Sibol Encantada. Ang mga kadwa ang pumapangalawa sa mga Apo na nangangalaga sa iba't ibang larangan. Pinili nilang lahat na mamuhay sa Amalao. Kasama na rito si Diyosang Dayaw.

Bago lisanin ng mga kadwa ang Gabun ay kailangan nilang dumaan sa kapangyarihan ng Batis ng Alaala. Kailangang kalimutan nila ang lahat ng pinagdaanan sa buhay at ang kapangyarihan nila sa Gabun. Ito ang utos ng mga Apo ng Sibol.

Isa si Diyosang Dayaw—ang diyosa ng pangangalaga—sa umalis ng Gabun.

Marahang binuksan ni Elizza ang palad. Ibinibigay niya ang puting butil ng alaala kay Diyosang Dayaw.

"Diyosang Dayaw, diyosa ng pangangalaga, kailangan mong sabihin na kakalimutan mo na ang lahat ng naging karanasan mo sa Gabun. Kailangan mong burahin sa iyong alaala ang kapangyarihan mo. Kailangang mabura sa alaala mo ang lahat-lahat sa iyo bilang diyosa ng panganglaga."

Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon