KABANATA 8: SA HARAP NG MGA APO AT SA KAWA

724 44 0
                                    


"ANG PAGKAKAALAM ko, dalawang ginto na lang ang kailangang hanapin para mapawi ang sumpa. Kailangan kong gawin ito para mapigil ang ano mang malagim na mangyayari na may kinalaman sa nawawalang mga ginto," sabi ni Moymoy habang nasa harap ng mga Apo sa loob ng Himpabulan.

"Gaya ng pangako mo sa mga tibaro, ikaw ang papawi ng sumpa, bakit hindi mo ibalik ang mga ginto sa Panalturan?" tanong ni Marino.

"Puwede rin akong humingi ng tulong sa kapatid ko, kay Alangkaw," sabi ni Moymoy.

"Ikaw ang bahala," sagot ni Marino.

"Kapag naisauli na namin ang lahat ng Ginto ng Buhay," pagpapatuloy ni Moymoy, "makakasama ba namin ang nanay namin?"

Nagkaroon ng katahimikan. Nabasag lang ito nang magsalitang muli si Marino. "Na kay Liliw ang kapasyahan ng lahat ng gusto niya, alam n'yo 'yan. Pero kung ang pagpawi ng sumpa sa lahat ng tibaro ang pag-uusapan, kailangan namin ang lahat ng Ginto ng Buhay."

Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon