KABANATA 4. TANONG NI MOYMOY Part 1

892 48 2
                                    



SA ISANG lugar na madilim, naglakad si Moymoy at Ella. Sa pamamagitan ng lamparang hawak ni Mr. Velasco, nakikita nila ang kanilang dinaraanan. May kalaparan ang pilapil na kanilang dinaraanan. Minsan, diretso ang pilapil, minsan naman ay paliko-liko.

"Sir, nasaan po tayo?" tanong ni Moymoy.

"Isa ito sa mga daan, papuntang Salikot," sagot ni Mr. Velasco.

"Talaga, Sir? Sa Salikot? natutuwang sabi ni Ella. "Makikita natin si Lola Joy?"

"Oo, Ella," sagot ni Mr. Velasco.

Biglang napansin ni Ella ang animoy usok na lumilipad-lipad sa kadilimang dinaraanan. Nagkakaroon ng korte ang mga iyon na parang mga taong lumilipad-lipad sa hangin.

"Mga espiritu, Ella, 'wag kang matakot," sabi ni Moymoy. "Huwag kang titingin sa kanila."

Sinunod ni Ella ang sinabi ni Moymoy.

"Nasa kailaliman tayo ng lupa," sabi Mr. Velasco. "May naninirahang mga espiritu rito."

"Sir, 'di ko akalain na isa ka ring tibaro," sabi ni Ella. "Ang daming may crush sa 'yo sa klase."

Tumingin si Mr. Velasco kay Ella at nginitian ito. "Ngayon alam mo na." Bigla siyang nagpalit-palit ng anyo ng mukha. Naging baboy, paniki, matandang lalaki na may pangil, at isang buwaya ang mukha.

Nang ibalik ni Mr. Velasco ang tunay na anyo—ang dating mukha, nakangiti siyang nagtanong kay Ella. "Ano na ang tingin mo sa 'kin? Nakakatakot? Hindi ka na ba mapalagay kapag nagtuturo ako sa klase bilang teacher ninyo?"

Umiling si Ella. "'Di naman ako matatakutin masyado, Sir. Kahit ano pa kayo, pare-preho lang tayo. At saka, open-minded ako, Sir."

"Sana, kagaya mo rin ang mga kaklase mo. Hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan," nakangiting sagot ni Mr. Velasco.

"Matagal ko na pong kaibigan si Moymoy. Kahit na kailan, 'di nagbago ang tingin ko sa kanya. Hindi ako natakot. Kasi ang turo sa akin ng mga magulang ko, wala sa panlabas na kaanyuan ang panghuhusga. At saka, mabait kaya si Moymoy."

"Mabait ka rin naman," sabi ni Moymoy, hindi maiwasan na mapangiti sa sinabi ni Ella.

Sa patuloy nilang paglalakad, binalingan uli ni Moymoy si Mr. Velasco. Napaisip siya tungkol sa teacher. Kanina kasi, habang nasa klase sila, naramdaman niyang hindi ito kabilang sa mga tao o buntawi na kakilala niya. Habang patuloy niyang pinagmamasdan ang teacher, habang patuloy niyang pinakikinggan ito sa klase, kinutuban siya kaagad na magkauri nga sila. Na isa rin itong tibaro gaya niya.

"Sir," sabi ni Moymoy. "Gusto kong ipaliwanag n'yo pa rin sa akin ang tungkol sa diniscuss natin kanina, tungkol sa laylayan ng lipunan."

g takot s_dVD

Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon