KABANATA 39

716 45 2
                                    


NASA TORE, sa pinakamataas na bahagi ng palasyo ng Sibol Encantada ang mga Apo. Pinagmamasdan ang komunidad ng buong Gabun.

"Nagtayo na ng hukbo si Buhawan, kasama niya ang kanyang kanang-kamay na si Pontoho," sabi ni Ilawi. "Ito na ang hudyat."

"Muli siyang magtatangkang lusubin ang palasyo. Mas malakas ang puwersa niya sa pagkakataong ito," sabi ni Amihan.

"Nasa kanila ang isang Ginto ng Buhay. Puwede nilang gamitin ang kapangyarihan ng ginto," sabi ni Liliw.

"Kailangang malaman ng buong Gabun na malakas ang puwersa nating mga Apo. Na tayo ang mas makapangyarihan," sabi ni Ilawi.

"Kailangan pa bang sabihin iyon sa mga tibaro? Kailangan pa ba nilang malaman na higit tayong makapangyarihan? Mga diyos tayo. Hindi tayo mga diyos kung hindi natin sila nasasakupan," sagot ni Marino.

"Kailangan, Marino," sabi ni Liliw. "Kailangang nakatanim sa isip ng bawat tibaro na tayo—tayong mga Apo ang mga diyos. Na hindi lang tayo makapangyarihan, kundi sa atin sila dapat sumunod."

Humakbang si Marino, pinagmasdang mabuti ang buong komunidad ng Gabun. Sumunod ang iba pang mga Apo sa kanya—sina Ilawi, Amihan, at Liliw. Tiningnan nila ang komunidad na kanilang nasasakupan. Kitang-kita nila iyon kahit papalubog na ang araw.

Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon