KABANATA 43

746 42 1
                                    


SAMANTALA, nasa tore ng Sibol ang mga Apo, pinapanood ang labanan ng mga bugani at mga mandirigma ng Dalumdum.

"Tama ang naging desisyon natin. Isang madaliang digmaan para masugpo ang gustong umagaw sa ating kapangyarihan," sabi ni Ilawi.

"Sana'y walang maraming masaktan. Binibigyan lang natin ng leksiyon si Buhawan at Alangkaw," sabi ni Marino.

"Hindi sila makakalapit sa mga bugani," sabi ni Amihan. "Tiyak, matatalo ang Dalumdum.

"Mga kapatid kong Apo, tuluyang matatalo ang Dalumdum. Huwag lang gagamitin ni Alangkaw ang kapangyarihan ng ginto," sabi ni Liliw.

Natigilan sina Marino, Ilawi, at Amihan. Napaisip sila sa sinabing iyon ni Liliw. Makapangyarihan nga pala ang Ginto ng Buhay!

SA LOOB ng palasyo, tumakbo si Alangkaw papasok sa kuwarto ni Liliw na kinaroroonan ng ginto. Napatingala siya. Tiningnan niya ang liwanag na tumatama kay Liliw. Ang liwanag na nagpapagaling sa kanyang ina.

Dahan-dahang binuksan ni Liliw ang mga mata. Nakita niya ang nag-aalalang si Alangkaw. "Alangkaw..."

"Inay..."

"Ang ginto ba?" Pinilit ni Liliw na magsalita kahit na nahihirapan. "Ang ginto, kailangan mo?"

"Inay, baka mapaano kayo. Kailangan n'yo ang ginto."

"Kailangan mo ang diwani para sa pakikipaglaban... Mabangis ang mga bugani. Kunin mo na ang ginto."

Napailing si Alangkaw.

"Kunin mo! Mapapahamak ka. Mapapahamak tayong lahat!"

Hindi alam ni Alangkaw ang gagawin...

Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon