PROLOGUE

343 5 0
                                    

"Nandito lang s'ya! Hindi makakalayo ang babaeng 'yon ng ganoon-ganoon nalang. Hanapin n'yo s'ya! Hindi s'ya pwedeng makatakas!"

Mga yabag, sigawan at ingay ng mga nahuhulog at nagkakandabasag na mga gamit sa laboratoryong iyon ang tanging naririnig ni Misty habang nagkukubli at nakasiksik sa isang sulok.

"Boss, wala. Baka wala na s'ya dito."

"Punyeta! Nakita nating lahat na pumasok s'ya dito kanina. Hindi pwedeng wala s'ya dito! Sigurado akong nandito lang s'ya at nagtatago lang sa kung saan! Hindi pwedeng hindi n'yo makita ang babaeng 'yon! Hindi maaaring kumalat ang sekreto natin! Halughugin n'yo ang buong lugar!" Utos ulit ng lalaking matangkad na nakamaskara.

"Hindi nila ako pwedeng makita. Baka mapatay nila ako ng walang laban. Kailangang makaalis ako sa lugar na ito." Naisa-isip ni Misty.

Nagsimula s'yang gumapang para maghanap ng malalabasan. Kailangang matakasan n'ya ang mga lalaking nakaitim at nakamaskara.

"Shit!" Sigaw ng nagwawalang lalaki na tinawag na "boss" ng mga kasama nito sabay sipa sa silyang sa harapan mismo ng gumagapang na dalaga bumagsak. Mabuti nalang at naitakip n'ya ang kamay sa bibig bago pa man mapatili sa gulat. Nagtago s'ya sa ilalim ng lamesa bago pa s'ya makita nito.

"Sunugin ang buong lugar! Wala na tayong oras. Kailangang makita na natin s'ya kaagad. Kailangan na nating makabalik bago sumara ang pinto ng Alcatraz."

Sumiklab ang malakas na apoy. Binalot ang paligid ng maitim na usok at nagbabaga ang mga kagamitan.

"Hintayin natin s'yang lumabas mula sa lungga n'ya. Palibutan n'yo ang lugar paglabas natin. Siguradong gagawa s'ya ng paraan para makalabas mula dito sa loob ng nasusunog na laboratoryo." Dinig ni Misty na utos ni "boss" habang papalayo ang mga yabag.

"No! Hindi pwede ito. I'm only 28. Hindi pwedeng mamatay ako sa ganitong gulang. Marami pa akong pangarap na kailangang tuparin. Marami pa akong kailangang gawin. Kailangan ko pang makita ang mommy ko."

Hinalungkat ni Misty ang mga gamit sa laboratoryo hanggang sa makita n'ya ang isang capsule na sa una ay nag-alinlangan s'yang gamitin ngunit kalaunan ay wala rin s'yang nagawa kundi ang inumin ito.

Ilang sandali lamang ay naramdaman na si Misty ang paninikip ng dibdib at pag-iinit ng pakiramdam. Napaluhod s'ya sa sahig at tuluyan ng matumba matapos mawalan ng malay.

Ilang minuto lang ay nagising s'ya at tiningnan ang sariling mga kamay.

"It actually worked! I look like an 18 years old teenager now. Its as if i'm looking at my old self 10 years ago.
Dahil sa ininom kong capsule ay bumata ako ng ilang taon." Bulalas n'ya.

Namangha s'ya sa pagtingin sa sarili gamit ang basag na salamin na nasa sahig ng maalala ang kalagayan. Nasa loob pa rin s'ya ng nasusunog na gusali.

"Bahala na!" Aniya sabay hubad ng suot na itim na jacket. Itinira ang puting v-neck na ngayon ay bahagya ng malaki sa kanya. Binaliktad ang suot na itim na sumbrero at ngumuya ng bubble gum bago tumakbo papalabas ng laboratoryo.

***
Napangiti si Misty matapos lampasan ang kumpol ng mga usisero at usisera na ngayon ay nakaabang mula sa labas ng nasusunog na gusali. Nakikita rin n'ya mula sa gilid ng kanyang mga mata ang ilang mga nakaitim na maskaradong mga lalaki na nakaabang din sa paglabas n'ya.

"Mamumuti ang mga mata n'yo sa kakahintay. Hindi na kailanman magpapakita ang hinahanap n'yo. Sino ba ang mag-aakalang ang 28-years old na police ay mismong ang teenager na lumabas mula sa nasusunog na gusali?" Nakangising aniya habang nakahalukipkip at nakasandal sa poste ng ilaw habang nakatanaw sa laboratoryo. Pero nag-alala s'ya ng mapatingin sa maluwag na n'yang sapatos.

"Oh my! Nakatakas nga ako pero paano ako babalik sa dating ako? At ano ang kasalanan ko sa mga lalaking 'yon? Ano 'yong sekretong sinasabi nila? Pati na iyong pinto ng Alcatraz. May kinalaman kaya 'yong hawak kong kaso? Kailangang masagot ang mga tanong ko."

MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon