Chapter 22

21 2 0
                                    

BRANDON RIOS

Nagulat ang lahat lalo na si Misty ng tumilapon sa loob ng arena ang patay na katawan ng Anaconda at Gorilya na s'ya sanang maglalaban.

"Twit! Ano ang ginagawa mo, Vanne? Hindi mo pa laban." Pigil dito ng ibon ng makitang paakyat ito ng arena matapos ihagis ang dalawang patay na nilalang.

"Gusto mong mauna sa hukay, ibon?" Lumipad naman palayo ang nahintakutang ibon. Kita sa mata ni Brandon ang sobrang galit. "Umakyat dito ang susunod na maglalaban. Magpatayan tayong tatlo!" sigaw ni Vanne mula sa arena.

"Twit! Hindi kasama sa rules..." Tumigil sa katatalak ang ibon ng umakyat sa itaas ng arena si Professor Sneak kasunod si Lulu the Lobo.

"Pagbibigyan kita, Vanne Daniels. Hayaan mong ako ang magdala sa'yo sa kabilang buhay." Mahinahong sabi ng kalahating-ahas na propesor.

"Huwag kang papakasiguro, Sneak. Isasama kita kay Vanne sa hukay! Awooo!" Umalulong ang lobong si Lulu.

Pumwesto sa tatlong sulok ng arena sina Brandon, Prof. Sneak at Lulu.

"Sandali! Pwede naman yata akong sumali, hindi ba?" Sabad ng isang matandang may hawak na gintong orasan. Pumasok din ito sa arena kahit walang pahintulot.

"Hay! Mga masasama talaga! Hindi marunong sumunod sa rules. Prof. Sneak vs Lulu the Lobo vs Vanne Daniels vs The hypnotist! Simulan na ang laban!"

Nasa apat na sulok ang apat na maglalaban. Ni walang gustong unang sumugod at tila nagpapakiramdaman.

"Ahhh!" Sumugod si Brandon gamit ang palakol na hawak.

Una n'yang pinunterya ang ahas na propesor.

"Ssssss!" Pinuluputan nito si Brandon.

"Ano, Vanne? Kakayanin mo ba ako?" Pahigpit ng pahigpit ang pagkakapulupot nito kay Brandon.

"Ahh!" Napahiyaw ito sa sakit at nabitawan ang palakol na hawak.

"Hanggang salita ka lang naman pala." Natatawa pa ang ahas na propesor. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasakal kay Brandon.

Nahihirapan nang makahinga si Brandon ng mapatitig sa dako ni Misty.

"Anak ko." Doon nagkaroon ng panibagong lakas si Brandon upang lumaban.

"Hindi mo ako basta-basta matatalo!" Sigaw ni Brandon sabay bwelo upang makatakas sa pagkakasakal ni Prof. Sneak.

"Ahh!" Napasigaw ang ahas ng gumuhit mula sa tiyan hanggang sa ulo nito ang matinding kirot.

Nang makawala si Brandon ay may hawak na itong kutsilyo... ang kutsilyong ibinigay mismo ni Gwen. Tumutulo pa mula rito ang dugo ng ahas.

Biyak na bumagsak sa lupa ang patay na ahas. Kasabay ng pagbagsak nito ay ang pagbagsak din ng patay na lobo na pinatay ng Hypnotist.

"Paano, Vanne? Tayo nalang ang natitira."

"Hindi kita uurungan, tanda!" Pilit na lalaban pa rin si Vanne kahit nakakaramdam na ng matinding pananakit ng katawan matapos paglasug-lasugin ng ahas ang mga buto n'ya.

"Tumingin ka dito, Vanne. Hindi ba ikaw mismo ang papatay sa sarili mo?"

Inilapit nito sa mukha ni Brandon ang gintong relong hawak.

Nahihipnotismong napatirig na lamang si Brandon dito.

"Sasaksakin mo n'yang kutsilyo mong hawak ang sarili mo, Vanne." Utos nito.

"Ahh!" Sigaw ni Brandon kasabay ng pagsaksak nito sa sariling braso.

"Isa pang saksak sa kabilang braso, Vanne." Utos ulit ng Hypnotist.

"Ahh!" Sumirit na naman ang dugo sa kabilang braso nito na mismong sinaksak din nito.

"Masarap na saksakin ang sarili, hindi ba, Vanne?" Natatawang tanong nito kay Brandon na hindi makontrol ang sariling katawan.  "Isa pa nga, Vanne. Ang sarap titigan ng dumudugo mong katawan eh."

"Huwag! Madaya ka!" Akmang sasaksakin ulit ni Brandon ang sariling paa ng sumigaw si Misty.

Doon pa lamang natauhan si Brandon. Pikit matang inalala sina Gwen at Misty...ang mga mahal n'ya sa buhay na umaasa sa kanya at sa pinaglalaban nila.

"Hindi...ako...mapipigil n'yang hypnotismo mo! Mananalo ako at kahit mamatay pa ako, ilalaban ko ito para sa kaligtasan ng anak kong si Misty!"

Inihagis n'ya ang kutsilyong puno ng sariling dugo sa kalaban. Diretso itong tumama sa noo nito.

"Hindi mo ako matatal..." Huling sigaw ng Hypnotist bago ito bumagsak na walang buhay sa sahig ng arena.

"At ang nanalo... Vanne Daniels." Deklara ng ibon.

"A...ama? Ama po kita?" Mahinang tanong ni Misty matapos marinig ang mga huling sinabi ni Brandon sa ibabaw ng arena.

Napatitig nito sa dako n'ya at nakita nito ang nagtatanong n'yang mga mata.

Lalapit sana ito sa kinaroroonan n'ya ng kumidlat ng malakas.

"Ahh!" Tumilapon ito sa dako n'ya.

Lalapitan sana n'ya ang ama ng umiling ito. Pinigilan din s'ya ni Cris na nasa tabi n'ya.

"Bawal talaga ang umibig dito sa Alcatraz. Wala tayong magagawa sapagkat parusa n'ya 'yan." Anito sabay lagay ng kamay sa balikat n'ya.

"Daddy!" Sigaw n'ya.

Saka lang nito tinanggal ang maskara. Sinipat ni Misty ang mukha nito at kompirmado ngang daddy n'ya si Vanne Daniels.

"Daddy ko!" Napahigpit ang pagkakahawak ni Cris sa balikat n'ya.

"Pigilan mo ang emosyon mo kung ayaw mong magaya sa kanya, Misty. Bawal ang umibig! Bawal ang magpakita ng pag-ibig sa kahit na kanino. Hindi pa ito ang itinakdang panahon kaya kikidlat pa at mamamatay ang sinumang tatamaan nito. Tunay na pag-ibig ang solusyon upang mawasak ang Alcatraz at ng hindi na muli pang pumatay ang kidlat ng pagpaparusa. Hindi ka pa maaaring mamatay. Hindi pa tapos ang misyon mo."

"Magsasama na kami ng mommy mo, Misty. Pasensya na at hanggang dito nalang ang tulong na maaari naming ibigay sa'yo. Alam kong kakayanin mo ito. Magkikita rin tayo balang araw. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo, Misty. Tandaan mo 'yan."

Kumidlat ulit at tuluyan ng natamaan si Brandon. Nagliyab ang katawan nito ngunit nanatiling nakangiting nakatitig sa kanya hanggang sa tuluyan na itong naging abo.

"Pati ang mommy ko wala na rin?"

Tanong n'ya kay Cris. Napabuntong-hininga ito bago tumango.

"No! Hindi maaari 'to!" Naiiyak na sigaw ni Misty.

"Magpakatatag ka, Misty. Hindi maaaring gamitin ang karupukan ng iyong emosyon sa puntong ito. Hindi iyan makakatulong sa'yo."

Naikuyom ni Misty ang kamao. "Humanda ka sa akin, Kataas-taasang Kasamaan. Igaganti ko ang lahat ng pinatay mo lalong-lalo na ang mommy at daddy ko!"

MisteryosaWhere stories live. Discover now