Chapter 1

170 4 0
                                    

THE BEGINNING

"Hello, sir. Magtatanong lang po sana ako kung kilala n'yo si Alfred Tiamson?" Tanong ng "dalagitang" si Misty matapos s'yang pagbuksan ng pinto ng tiyuhin.

Iling ang isinagot sa kanya ng matandang scientist bago maluwag na binuksan ang pintuan. "Tsk! Nasangkot din sa gulo. Mana ka talaga sa nanay mo, Misty. Pasok ka."

Napanganga si Misty sa tinuran ng tiyuhin. Balak sana n'yang pagtripan ang matanda. Ibang-iba kasi ang itsura n'ya ngayon kaysa sa totoong s'ya.

"Paanong..."

"Hindi ka makakapaglihim sa akin, Mystique. Maloloko mo ang lahat maliban sa 'kin."

Napakamot na lamang sa batok si Misty.

"Tito Alfred, naman eh!" Napapalatak na aniya.

"Alam mo? Mas bagay sa'yo 'yang itsura mo ngayon, Misty. You usually act like a 17 years old teenager."

She rolled her eyes. "Like duh! Tito, naman eh. Ibalik mo na ako sa dati please."

Tinanggal ng matanda ang eye glasses n'ya at sinipat ang dalaga.

"Kakatawag lang ng secretary ko. Nasunog daw ang lab. I guess it has something to do with you."

"Argh! I'm sorry po. Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari. Paano na 'to, Tito? Does it mean na ganito na ako habang buhay? Tito, gumawa ka ng paraan please. Pretty please, Tito." Nagpapacute na aniya.

"Alam kong alam mong cute ka, Misty. And with that look, you're 10 times cuter. Why don't you just stay this way? I'm sorry, gaano man kita kagustong tulungan 'di ko rin magagawa." Naiiling na anito.

"Ano?! Tito, pulis ako. Paano ako makakabalik sa dati kong buhay kung ganito ang itsura ko? Paano ako magpapakita sa trabaho? Sino ang maniniwalang ang isa sa mahuhusay na forensic expert ng QCPD ay isang 18 years old na teenager?"

"Well, kahit naman noon, hindi naman ako naniniwala na professional ka na, Hija. Para ka kasing bata kung umasta sa harap namin ng auntie mo."

Inirapan n'ya ang tiyuhin. "Tito, sa inyo lang ako ganyan. Sa labas kagalang-galang na police ako. Tito, help me please."

"Gusto mo ba ng mas malaking kapahamakan?"

Kunot-noo n'ya itong tinitigan. 

"Hindi mo iinumin ang delikadong capsule na 'yon kung hindi kinailangan, Mystique. May mga nagtatangka sa buhay mo, sigurado ako sa bagay na 'yan. Tama ako, 'di ba?"

"Mga armado silang tao, Tito. Mga nakamaskara at halatang walang awa. Hindi ko sila kilala, Tito. Pero bakit nila ako hinabol? Bakit gustong nila akong patayin?"

"Wala akong maisasagot sa'yo, Misty. Ako man ay marami ding tanong. Pilit ko ring inaalam ang formula ng mismong capsule pero hindi ko malaman hanggang ngayon kung kaya't hindi din ako makagawa ng antidote. Kung meron mang antidote ang gamot na 'yon, isa lang ang nakakaalam."

"Sino?"

"Ang mismong gumawa ng capsule na 'yon... ang mommy mo."

Ang tinutukoy ng tito n'ya ay ang 20 taon ng nawawala n'yang ina. Halos hindi na n'ya ito matandaan.

"But finding her is like hoping to see a needle in a mountainous bunch of hay."

"Exactly my point, Hija. Kaya hayaan mo nalang na maging ganyan ka. Mas mabuting ganyan ka para hindi ka mahanap ng mga humahabol sa'yo."

"Hindi ako duwag, Tito! Haharapin ko sila. Hahanapin ko sila. Kailangang malaman ko kung ano ang kailangan nila sa akin."

"Nababaliw ka na ba, Misty? Parang iniaalay mo na din ang buhay mo sa kanila. Magpapakamatay ka ba?"

"Hindi, Tito. I want my freedom back. Hindi ako mabubuhay ng ganito. Hindi ako magtatago at matatakot. Hindi ako 'to!"

"Paano kung mapahamak ka dahil sa gagawin mo? Alam nating pareho na mga delikadong tao sila. At saka, alam mo ba kung saan mo sila hahanapin?"

"Opo, Tito. Sa Alcat... Tito, yuko!"

Biglang sumambulat at nabasag ang isang salaming bintana sa sala ng bahay ni Alfred.

"Stay where you are, Tito!" Utos ni Misty sabay kapa ng baril mula sa likod ng pantalon n'ya.

Dahan-dahan s'yang gumapang patungo sa bintana at dumukwang para tingnan kung ano'ng meron sa labas. Nang walang makita ay kaagad s'yang tumawa para magpagpag ng alikabok mula sa sarili.

"Okay na po, Tito. Walang tao sa labas. Bakit po ang dumi ng sahig n'yo? Hindi ka ba naglilinis? Sandali lang nagbakasyon si Tita sa US eh."

"Heh! Magtigil ka nga, Misty! Inatake na tayo at lahat 'yong maduming sahig ko pa ang nakita mo." Sita nito sa kanya. "Ano 'to?"

Pinulot nito ang isang papel na nakapulupot sa isang bato. Siguradong ito ang dahilan ng pagkabasag ng salamin ng bintana nila.

"Akin na, Tito." Kaagad na inagaw ni Misty ang papel.

Pinakamamahal kong Misty Rios,

Ang aking pagbati.

Ipagpaumanhin mo kung sa ganitong paraan tayo unang nagkakilala. Nais ko lamang ipaalam sa'yo na ito na ang takdang oras para pasukin mo ang Alcatraz. Ako'y lubos na umaasang sa madaling panahon ay mapagbibigyan mo ang aking paanyaya.

Basa ni Misty sa sulat.

"At bakit ko kailangang pumasok sa Alcatraz? At bakit n'ya ako kilala?" Tanong n'ya sa sarili.

(Pagpapatuloy:)

Alam kong tinatanong mo ang iyong sarili kung paano kita nakilala. Ako'y nakamasid lang sa iyo araw-araw. Nakatago sa poste, pader, puno at kahit sa ilalim ng iyong kama. Ako'y iyong kaibigan, Misty Rios. Bakit ko gustong pasukin mo ang Alcatraz? Hindi ang Alcatraz ang may kailangan sa'yo. Baka ikaw ang may kailangan sa Alcatraz, Misty Rios? Alam kong marami kang tanong. Ayaw mo bang hanapin ang kasagutan? Ang Alcatraz ang makakasagot sa mga tanong mo, Misty Rios.

"Alcatraz?" Kunot-noong tanong ng Tito n'ya.

"Kanina gusto kong pasukin ang Alcatraz, ngayon natatakot na ako. Parang ayoko na. Parang nakakatakot sa Alcatraz." Sabi n'ya sa nakikibasang tiyuhin.

(Pagpapatuloy:)

Ang Alcatraz ba ang nakakatakot, Misty? Mas nakakatakot na mamatay ng walang ginagawa para masagot ang mga tanong mo.

"Huwag, Misty! Baka mapahamak ka!"

"Pero, Tito..."

"Sinasabi ko ngayon palang sa 'yo, Misty, mapapahamak ka lang kapag pumasok ka d'yan. Hindi mo alam kung anong meron sa Alcatraz na 'yan."

(Pagpapatuloy:)

Alam kong nag-aalinlangan ka, Misty Rios. Paano ba kita makokombinsing pasukin ang Alcatraz? Sapat na bang sabihin ko sa'yong sa Alcatraz mo malalaman kung saan ang kinaroroonan ng pinakamamahal mong inang si Gwenyth?

Hanggang dito nalang. Alam kong darating ka. Alam kong pupunta ka. Ituturo ko din sa 'yo ang daan sa tamang panahon. Magandang araw, Misty Rios.

Hanggang sa ating pagkikita,

Cris Sayson

"Cris Sayson?! Sino 'yon?" Magkapanabay nilang tanong ni Alfred.

Kapwa napakibit-balikat at napabuntong-hininga ang dalawa.

"Ang mommy ko, Tito."

"Huwag, Misty. Baka patibong lang 'yan."

"Pero paano kung totoo ang sinasabi n'ya? Ayokong sayangin ang pagkakataon kong makita ulit ang mommy ko. Hihintayin ko ang tamang panahon na 'yon, Tito. Kailangang makita ko ang mommy ko. Kung ang tanging paraan lang para makita ko s'ya ay ang pasukin ang Alcatraz, gagawin ko."

MisteryosaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu