Chapter 17

28 4 0
                                    


PROFESSOR G

"Siguro naman hindi mo na ako pipigilang puntahan s'ya ngayon, Suck." Kinuha ni Misty ang bag sa likod ng pintuan.

Inilagay ang lahat ng bagay na pwede n'yang magamit sa labanan. Kutsilyo, espada, pana at palaso, tali pati na ang mga mansanas na pag-aari ni Kiko noon.

"Dalhin mo ito, Misty. Delikado sa labas, kailangan mo ng panangga." Iniabot nito sa kanya ang kapang itim na palaging suot nito.

"Para saan ito, Suck? Hindi ko kailangan 'yan. Sa'yo 'yan."

Itinabon ni Suck ang kapang suot sa mukha nito at ilang sandali lang ay naglaho na itong parang bula.

"Mas mabuting may pambulag ka, Misty. Mahirap nang makita ka ng kahit na sino papunta sa kanya."

"Huh? Nasaan ka? Bakit hindi kita nakikita? Bakit boses mo lang ang naririnig ko?"

"Dahil dito, Misty." Unti-unting lumitaw si Suck ng tanggalin nito ang pagkakatabon ng kapa sa sariling mukha.

"Wow! Astig! Ibig sabihin kapag suot ko ang kapa mo makakapunta ako sa kung saan ng walang nakakakita?"

Tango at ngiti lang ang sagot nito.

"Akin na. Pahiram muna ako hangga't may oras pa. Kailangang makita ko kaagad s'ya. Maaari n'ya akong matulungan."

Tinanggal naman nito sa sarili ang kapa at saka iniabot nito sa kanya.

"Magkita na lamang tayo sa may arena mamaya, Misty. Ako rin ay may pupuntahan muna."

Tumango s'ya at isinuot ang kapa ni Suck. Itinabon din ito sa mukha n'ya kagaya ng ginawa nito kanina.

"Paalam, Suck. Sana sa muli nating pagkakausap hindi tayo maging magkalaban."

Nagpatiuna na s'yang lumabas ng kweba at tinahak ang daan patungo sa pakay n'ya.

"Sana ikaw pa rin ang taong 'yon magpahanggang ngayon."

Pinuno n'ya ng hangin ang baga. Kailangan n'yang maging matapang at magpakatatag mula sa oras na ito.

"Hinding-hindi ko susukuan ang pag-asang makakauwi tayo sa ating mundo ng magkakasama."

***
*Tok! Tok! Tok!*

Katok s'ya ng katok sa pinto ng bahay nito. Napapagod na s'ya pero wala pa ring sumasagot mula sa loob.

Napasandal na lamang s'ya sa pinto at ipinikit ang mga nata. Pilit na pinakalma ang pusong kanina pa malakas ang kabog.

Nakarinig s'ya ng papalapit na mga yabag kaya napadilat s'ya.

Nakita n'yang naglalakad palapit sa kinaroroonan n'ya ang taong pakay.

Kaagad s'ya lumayo sa may pintuan upang hayaan muna itong makapasok bago s'ya magpakita dito.

Binuksan nito ang tarangkahan ng bahay, pumasok sa loob at hinayaang nakabukas ang pinto.

"Matagal na kitang hinihintay. Pumasok ka na bago pa may makapansin sa'yo sa labas. Hindi lahat ay tinatablan ng iyong tagabulag."

Napanganga si Misty sa narinig. Alam nitong nandito s'ya.

"Ano? Hindi ka pa papasok? Isasarado ko na ang pinto."

Dali-dali s'yang tumalima. Pumasok s'ya sa loob ng bahay at kaagad na isinarado ang pinto sa likod n'ya.

"Maari ka ng magtanggal ng tagabulag. Hindi naman delikado dito sa loob ng bahay. Sarado na ang pinto at mga bintana."

Unti-unting tinanggal ni Misty ang kapang suot n'ya.

"Pro-professor G..." Lumuhod s'ya sa harap nito.

Pangalan lang nito ang nagawa n'yang bigkasin sapagkat walang anumang salitang lumalabas sa bibig n'ya kahit pa pinipilit n'yang magsalita.

Lumapit ito sa kanya at iniamba ang kamay nito.

Pumikit naman si Misty at hinintay na dumapo ang kamay ng 5 taong gulang na propesora sa pisngi n'ya upang bigyan s'ya ng isang sampal.

Ngunit imbis na sampal ay hinaplos nito ng dalawang kamay ang magkabila n'yang pisngi.

"A...anak ko. Misty, anak." Nangingilid ang luhang sambit ng propesora.

"Ma...mommy." Doon na humulagpos ang damdaming pilit na tinatago ni Misty ng ilang araw. Niyakap n'ya ang propesora ng sobrang higpit habang umiiyak.

"Bakit mo ako iniwan, mommy? Bakit ang tagal mong nawala? Bakit hindi mo ako isinama dito? Miss na miss na kita." Mga salitang noon pa man ay gusto na n'yang maitanong sa ina.

Yakap lang ang naging sagot nito. Hinalikan s'ya nito sa buhok at hinaplos sa likod.

"Patawad, anak. Kinailangan kong gawin ito para mahanap ang iyong ama. Kinailangan kong gawin ito upang mabuo ang ating pamilya."

Napakalas s'ya sa ina. "Ang unfair, mommy. Mas inuna mo pang hanapin si Daddy kaysa gabayan ako sa paglaki."

Umiling-iling ito. "Hindi naman sa ganoon, anak. Naloko lang din ako ng tagabantay. Sinabi n'yang nasa loob ng Alcatraz ang iyong ama. At ang pagwasak dito ang paraan upang mailabas ko s'ya. Ininom ko ang capsule na ginawa ko upang maitago ang tunay kong katauhan at pumasok dito. Pinili kong makipagsalaran upang mahanap si Brandon pero wala s'ya dito sa Alcatraz. Ilang taon na ang nakakalipas, wala akong nagawang paraan upang makalaya dito. Wala akong nagawa upang sirain ang Alcatraz. Tinanggap ko nalang ang kapalaran kong dito na rin ako mamamatay sa Alcatraz. Ang tanging paraan lamang na naisip ko upang manatiling buhay ay ang magpanggap na pumanig na ako sa kasamaan. Patuloy akong naghahanap ng paraan upang makalaya at makabalik sa'yo ngunit nananatili pa rin akong bigo."

"Kailangan nating makalabas ng Alcatraz, mommy. Delikado na rito."

Umiling ang ina. Malungkot ang itsura nito. "Hindi pagtakas ang solusyon, Misty."

"Bakit hindi? May paligsahan na magaganap at hindi tayo makakaligtas ng sabay kung hahayaan natin silang manipulahin lang tayo. Hindi tayo pupwedeng sumunod nalang sa gusto nila dahil iisa lang ang makakaligtas. Lahat ay posibleng mamatay maliban sa isa. Hindi pwedeng isa sa atin ang mamatay, mommy. Kailangang pareho tayong makaligtas."

"Alam ko, Misty. Ngunit kung tatakas tayo, magiging abo lamang tayo paglabas ng Alcatraz. Traidor ang Alcatraz. Pagpasok natin dito inialay na rin natin ang buhay natin sa kanya. Kung kaya't pag-aari pa n'ya tayo hangga't hindi pa nawawasak ito."

"Argh! Paano na? Paano pa tayo makakalabas dito ng buhay, mommy?" Nauupos na napaupo si Misty sa sahig.

"Iisa lang ang paraan, Misty. Ang wasakin ang Alcatraz."

"Paano? Ni hindi ko nga alam kung paano."

"Ang paraan lamang upang mawasak ang masamang Alcatraz ay ang wasakin ang kasamaang nakabalot dito, ang kasamaang komokontrol dito. Ang kailangang gawin ay ang patayin ang Kataas-taasang kasamaan."

"Pero nasaan s'ya? Sino s'ya? Maaaring nakatanaw lamang s'ya at pinagtatawanan tayo sa labas ng Alcatraz. Paano ko s'ya matatalo kung hindi ko s'ya kilala? Paano ko s'ya matatalo kung hindi manalng ako makalabas dito."

"Wala sa labas ng Alcatraz ang kalaban, Misty. Nasa loob lamang s'ya. Isa sa atin ang kataas-taasang kasamaan. Hindi maaaring makalabas ng Alcatraz ang Kataas-taasang kasamaan sapagkat s'ya rin ay nakakulong dito. Magiging abo rin s'ya kapag nanatili s'ya sa labas ng Alcatraz."

"Sino? Sino s'ya?"

Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Kakaiba ka sa lahat, anak. Iyang mga kamay mong 'yan lamang ang may kapangyarihang malaman ang nakaraan sa pamamagitan lamang ng paghipo sa mga tao at mga bagay. Iyang mga kamay mo mismo ang magiging paraan upang makilala mo ang kataas-taasang kasamaan. Ingatan mo lamang na huwag n'yang malaman ang iyong kapangyarihan. Ingatan mo lang na mahalata ka n'ya. Kumilos ka na ang tangi lang inaasahan at pinagkakatiwalaan ay ang iyong sarili."

"Sige, mommy. Tatandaan ko 'yan. Aalis na ako."

"Isang paalala lang, anak."

"Ano po 'yon?"

"Patayin mo rin ako kung kinakailangan."

MisteryosaWhere stories live. Discover now