Chapter 9

52 1 0
                                    

ANG LAPASTANGAN

"Saan ba dapat ako magsisimulang maghanap ng sagot sa mga tanong ko? Kailangang may gawin ako upang agad akong makalabas mula dito sa Alcatraz, makita si mommy at mapalaya ang mga nilalang na napipilitan lamang magpakasama dahil kinakailangan."

Hinalungkat n'ya ang mga naiwang gamit ni Kiko. Ngunit bigo s'yang makahanap ng kahit na ano sapagkat bukod sa mga mwebles na upuan, tulugan at kainan, mga kagamitang pangkain at mga may lasong mansanas. Wala ng iba pang mahahalagang gamit sa bahay na kweba.

"Hay! Paano na?!" napaupo s'ya sa bangkong bato at nakapangalumbaba.

"Bakit ba kasi ako nagpapaniwala sa Cris na 'yon?! Ibang-iba ang Alcatraz sa kwento n'ya."

Naihampas n'ya ang kamay sa lamesang bato ng walang ano-ano'y may magflash na namang mga larawan sa balintataw n'ya. This time parang video na ang palabas.

[Ang nakaraan sa Alcatraz]

"Ang Kataas-taasan mula sa mundo ng taong si Tandang Tasyo ay nagbabalak na patayin ang lahat ng nilalang mula sa mundo ng dilim na naninirahan dito sa Alcatraz. Marapat lamang na pigilan natin s'ya at ang mga kalahi n'ya sa balakin ng mga ito." wika ng isang luntiang matipunong binata na may sungay.

"Nakakasigurado ka ba, Alfonso? Sila ay mga mabubuting nilalang din. Kitang-kita naman kung gaano sila kagiliw sa atin." wika ng isang matandang unicorn.

"Narinig ko sila, Tatang. Kung ako ay nagbibiro lamang, ipapahamak ko lang kayo at ang aking sarili. Gusto ko lamang mapanatili ang kapayapaan dito sa Alcatraz." saad ng tinawag nilang Alfonso.

"Kung gayon nga, kailangang maiparating natin ito sa kataas-taasang hukom. Marapat lamang na maresolba ang kung anumang suliraning maaaring magdudulot ng digmaan dito sa Alcatraz. Marapat lamang na marinig natin ang panig ni Tandang Tasyo at ng mga tao. Baka sakaling mapag-usapan pa ang kung anumang sigalot na paparating." suhestiyon ng kwago.

"Huwag!" pigil ni Alfonso. "Ano... Ang ibig kong sabihin ay hindi tama ang gusto ninyong mangyari. Walang maidudulot na maganda ang pagsusumbong sa kataas-taasang hukom. Itatatatwa lamang nila ang aking narinig. Maaaring ikapahamak ko lamang ito. Hindi ba kayo naaawa sa akin? Magmumukha akong sinungaling sa harap ng tagalitis.,Sa tingin n'yo ba madadaan pa sa pag-uusap ang iniluluto nilang digmaan? Maaari lamang itong magdulot ng mas malaking panganib para sa bawat isa sa atin. Maaaring baguhin nila ang plano. Maaaring sa halip na lipulin nila tayo ng buo, maaari nila tayong traidorin at isa-isang patayin."

Napatango-tango naman iba.

"Kung gayon, ano sa tingin mo ang marapat nating gawin, Alfonso?"

"Ang mas dapat nating gawin ay paghandaan ang labanan. Maging alerto tayo sa paparating na digmaan. Maging bantay tayo ng isa't isa upang huwag mapahamak sa kamay ng mga tao. At kung pupwede ay mag-ipon din tayo ng sapat na lakas at mga kagamitang pandigma. Unahan natin sila sa paglusob. Huwag nating hayaang malipol tayo ng mga tao. Karapatan din nating manatili sa paraisong ito."

"Tama! Kung may balak ang mga tao na lipulin ang ibang nilalang, nanganganib na masira ang kapayapaan ng Alcatraz. Ang dapat ay pinapatay at ibinabalik sa mundo ang mga lapastangan at mapanlupig na mga tao."

"Tama! Kaya humayo na kayo. Ipalaganap sa mga kalahi natin ang balita. Magsipaghanda kayong lahat sa paparating na digmaan."

"Mabuhay ang mundo ng dilim! Mabuhay ang mga elemental! Mabuhay si Alfonso!"

"Mabuhay!"

Nagsitayuan ang bawat isa at nagbigay ng pugay. Pagkatapos ay isa-isa na silang nag-alisan at naiwan si Alfonso.

Umupo itong nakangiti sa bangkong bato habang umiinom sa kopita.

Ilang sandali lamang ay may kumatok.

"Sandali lang." sigaw ni Alfonso.

Mabilis n'yang inayos ang hapag. Nilinis ang bakas ng mga elemental bago binuksan ang pintuan.

"Magandang gabi, Tandang Tasyo." yumukod pa ito upang magbigay pugay sa kataas-taasan mula sa mundo ng mga tao.

"Magandang gabi, Ginoong Alfonso. Nakarating sa akin ang sulat na iyong ipinaabot. Ano ang iyong sadya at ako'y iyong inimbitahan dito sa iyong tahanan?"

"Maupo ka muna saglit, Tandang Tasyo. Hayaan mo akong handugan ka ng inumin. Alam kong kabawasan sa iyong mahalagang oras ang pagsadya dito sa aking bahay."

Kumuha si Alfonso ng isa oang kopita at inilapag ito sa harap ng kataas-taasang taga mundo ng tao. Agad naman nitong ininom ang handog.

"Sa tingin ko nakahanda na akong pakinggan ang iyong sasabihin, Ginoong Alfonso. Kung ikaw ay hindi isa sa mga hukom ng kataas-taasang hukuman ng Alcatraz, siguradong hindi ako paparito ng ganitong oras. Ako'y kailangan din ng pahinga sa buong araw na pagtuturo ng Alphabeto sa Kastilyong Aralan ngunit sinadya kita sapagkat batid kong mahalaga ang iyong pakay. Tama ba ako, ginoo?"

"Ipagpaumanhin n'yo, Tandang Tasyo. Ayaw ko lamang na mapag-isipan ng masama kung sakaling ako ay dadayo sa inyong tahanan. Mabuti na rito at liblib, walang makakaalam na ika'y pumarito."

"Bweno, ano ang iyong pakay, ginoo? Ako'y sumaglit lamang dito kung kaya't diretsahin mo na ako."

"Ako'y..." bumuntong-hininga si Alfonso.

"May problema ba, ginoo?"

"Ako'y nalulungkot lamang sa aking nabalitaan, Tandang Tasyo. Hindi ko lubos maisip na hindi na magtatagal pa ang magandang samahan naming mga elemental at ninyong mga tao."

Napakunot-noo si Tandang Tasyo.

"Ako'y naguguluhan sa iyong tinuran, ginoo."

"Masakit isipin na ang aking mga kauri ay nagbabalak ng digmaan laban sa inyong mga tao." nalulungkot na saad ni Alfonso.

Biglang tumayo si Tandang Tasyo mula sa kinauupuan nito.

"Ano!? Bakit? Kami ba ay may malaking kasalanan sa inyo? Hindi ba madadaan sa isang mahinahong pag-uusap ang galit na inyong nadarama patungkol sa amin upang magbalak kayo ng digmaan?"

"Sinubukan ko ng kausapin sila, Tandang Tasyo, subalit ako'y bigo. Ako nga'y kanilang sinabihang lapastangan at traidor sa samahan ng mga elemental."

"Kung ganoon ay wala na akong magagawa pa, ginoo. Kami'y maghahanda nalang din sa digmaang gusto ninyong mga elemental. Matira ang matibay. Ako'y kailangan ng magpaalam. Itong balitang ito ay akin pang ipaparating sa aming samahan. Salamat sa impormasyon, ginoo. Paalam. Hanggang sa muling pagkikita."

Nang mapag-isa ay umalingawngaw ang halakhak ni Alfonso sa buong lugar.

"Mga uto-uto! Hahaha! Hala sige! Magpatayan kayo! Pasayahin n'yo ako! Mag-ubusan kayo ng lahi hanggang sa ang matira ay ako! At ako ang bubuo ng bagong Alcatraz!"

***
Doon na natapos ang nakaraang nagpakita sa kanyang balintataw.

"Sino ka, Alfonso? Nasaan ka ngayon? Ikaw na ba ang nilalang na kailangan kong matalo upang mapalaya ang mga nilalang na naninirahan dito ngayon? Ikaw ba ang kailangan kong mapatay upang tuluyan ng mawasak ang Alcatraz?"

MisteryosaWhere stories live. Discover now