Chapter 12 (Part 2)

28 1 0
                                    

"Wow! Ikaw nga talaga ang totoong Zackary." bulalas ni Finn habang nasusukang nakatingin sa dalawa. "Kaso, yuck! Nakakasuka naman kayo. Ang cheesy!"

"Tigilan mo nga kami, Finn." tumayo si Misty mula sa pagkakaluhod sa harap ni Suck.

Napatingin si Finn sa dako ng pintuang may kapangyarihan at lihim na napangiti.

"Kahit pala hindi ako makipagkasundo sa traidor na itim na aninong 'yon makukuha ko pa rin ang kapangyarihang gusto ko. Magagawa ko pa rin ang nais ko. Yohoo! Malapit na akong yumaman " aniya sa isip.

"Bumalik ka na sa mundo ng mga tao, Finn. Hindi ka nababagay dito." sabi ni Suck sa kanya.

"Ba-bakit naman?"

"Kung hindi mo alam ay nakakabasa ako ng isip. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo, Finn. Dumito ka, pumasok sa silid ng kapangyarihan at tulungan kaming talunin ang kasamaan o pumasok sa silid na 'yon, kunin ang gusto mong kapangyarihan, mag-isip ng masama sa kapwa mo para umangat ka at sinasabi ko sa'yo, hindi ako mangingiming patayin ka kapag gumawa ka ng pagkakamali."

"Suck, naman! Nagbibiro lang ako eh. Papasok ako sa silid ng kapangyarihan para tulungan kayong gapiin ang kasamaan."

Ngunit, laking gulat ng Finn ng walang anu-ano'y ibalibag s'ya ni Suck papasok sa isang silid at isinarado ang pintuan.

"Suck! Misty! Palabasin n'yo ako dito!" sigaw n'ya habang iniikot-ikot ang siradura ng pintuan. Ngunit sa kasamaang palad ay ayaw nitong bumukas at kaagad na naglaho sa kawalan matapos ang ilang sigundo.

"Nasaan ako? Ito na ba ang silid ng kapangyarihan?"

"Maligayang pagdating sa mundo ng kadiliman, Finn." mula sa kung saan ay may nagsalita.

Lumabas mula sa nakatagong ulap ang buwan at inilawan ang buong lugar. Kitang-kita niya ang kabuuan ng mundo ng kadiliman.

"Gusto mo ng pagkain? Ito kunin mo." mula sa kung saan ay lumitaw ang isang lalaki.

"Kamukha kita." nakatitig lang s'ya sa mukha ng kaharap.

"Oo naman. Ako ay ikaw." nakangising sabi nito. "Alam kong gutom ka, Finn. Kumain ka."

Saka pa lamang n'ya natitigan ang inihagis nito kanina.

"Pa-paa ng tao?! Ayoko n'yan." masuka-sukang inihagis n'ya pabalik dito ang paang hawak-hawak.

"Masarap ang paa ng tao, Finn. Masarap din ang hita. Masarap gawing sinigang."

Maduwal-duwal si Finn sa sinasabi ng kaharap.

"Palabasin mo na ako dito! Ayoko dito!"

"Ayaw mo? Alam kong gusto mo ng kapangyarihan. Alam kong gusto mo ng salapi. Lahat ng 'yan nandito. Pati ginto, pilak at alahas."

Kuminang ang mga mata ni Finn sa narinig.

"Nasaan? Akin na! Dadalhin ko pag-alis ko."

"Ops! Tsk! Tsk! Tsk! Hindi 'yon ganoon kadali, Finn. At saka, ang mga bagay na 'yan ay dito mo lang matatagpuan sa mundo ng dilim. Dito sila nararapat. Hindi sila pwedeng kunin mula rito at dalhin sa ibayo. Kagaya mo, dito ka nararapat. Dito ka nababagay."

Ang bundok ay kuminang. Mga diamante, pilak, gintong salapi,  kwentas, singsing at kung ano-ano pang bagay na may halaga. Bundok pala ng kayamanan ang nababanaag n'ya.

Naglaway si Finn sa mga ito.

"Gusto mong siguraduhin kong totoo ang mga 'yan? Sige, lapitan mo. Lumangoy ka sa kayamanan."

Tumakbo si Finn patungo sa gilid ng kumikinang na bundok. Dumakot ng ginto at isinaboy sa sarili.

"Yohoo! Totoong ginto nga! Mayaman na ako!"

Lumundag-lundag at lumangoy-langoy si Finn sa bundok ng kayamanan.

"Ang lahat ng bagay ay may kapalit, lalo na kung nakikipagkasundo ka sa mapanakit. Lalo na kung ang kausap mo ay masama at makasalanan."

Napatigil si Finn ng pumasok ang mga katagang iyon ni Misty sa utak n'ya.

"Bakit, Finn? Hindi ka ba masaya? Nasa iyo na ang lahat." tanong ng nakangising nilalang sa kanya.

"Masaya? Ito nga ba talaga ang bagay na makakapagpasaya sa akin?"

Lumingon-lingon s'ya sa paligid. "Wala ang mga kaibigan ko, wala si Mommy dito. Wala akong kasama dito maliban sa kamukha ko. Para saan ang mga kayamanang ito? Walang silbi ito kung mag-isa ako."

Akmang bababa si Finn mula sa bundok ng mapatid sa isang kumikinang na bagay. Isang espada.

Kinuha n'ya ito at binitbit pababa.

"Ano ang kapalit ng lahat ng kayamanang ito, kamukha ko?"

"Kapalit? Naku! Wala. Sa'yong-sa'yo lahat ng iyan. Walang makakakuha. Dumito ka lang. Pamunuan  mo ang lugar na ito."

"Wow! Akin na lahat ng ito? Ang galing naman!"

"Sige lang, Finn. Magsaya ka." ngumisi ulit ang nilalang na kamukha n'ya. Alam ni Finn ang ngising 'yon. Kilalang-kilala n'ya ang sarili n'ya. May binabalak itong masama.

"Gusto mong makalabas sa mundong ito, hindi ba?"

Hindi ito sumagot.

"Hindi mo rin kayang mag-isa no? Nakakalungkot ba sa lugar na ito?"

"Ano ba ang pinagsasabi mo, Finn? Gusto ko dito. Masaya dito. Mayaman ako dito. Makapangyarihan ako dito."

Kilala din ni Finn ang sarili kung paanong magsinungaling.

"Hali ka dito. Ibibigay ko sa'yo ang kalayaan mo." sabi ni Finn sa kamukha.

Nakangisi naman itong lumapit.

"Tatanggapin mo na ang inaalok ko? Pamumunuan mo na ang mundo ng dilim? Kukunin mo na ang lahat ng kayamanang ito."

Walang sabi-sabing inundayan n'ya ito ng saksak diretso sa puso. Isa pang saksak mula sa kaliwang balikat patungo sa tiyan pabalik sa kanang balikat.

"A-ano ang ginawa mo? Ba-bakit mo ginawa sa akin ito?" nanalaki ang matang tanong nito sa kanya.

"Binibigay ko na sa'yo ang kalayaan mo, kamukha ko. Ngunit hindi ko tatanggapin ang alok mo. Hindi ako mananatili dito. Hindi ko na pala kailangan ang kayamanan. Pamilya, kaibigan at kapayapaan. 'Yan pala ang mahalaga."

Gumuhit ang napakatalim na kidlat. Napatakip na lamang si Finn sa mata gamit ang braso n'ya.

"Welcome back, Finn. Ano? Uuwi ka ba ba?" nakangiting mukha nina Misty at Suck ang nabungaran n'ya.

"Alam n'yo? Ang babait n'yo sa akin no? Pero hindi ko na kayo iiwan. Alam ko na ang mahalaga."

"Kung ganoon, hali ka na. Pasukin na natin ng magkakasabay ang silid ng kapangyarihan."

MisteryosaWhere stories live. Discover now