Chapter 6

56 3 0
                                    


BLACK CAPE

"Oh! Saan ka pupunta?" Puna ni Finn ng matapos ng kumain si Misty. "Hindi ka ba matutulog? Lumalalim na ang gabi."

Tumalon s'ya mula sa sanga ng puno pababa sa damuhan.

"Magkita nalang tayo sa Kastilyo. Salamat sa pagpapatuloy."

Alam n'yang maski si Finn ay isa ring traidor. Baka makatulog s'ya at umaga na magising, kung magigising pa s'ya, sapagkat may traidor s'yang kasama. Hindi s'ya maaaring makampante hangga't wala s'yang sariling tirahan.

"Kweba! Gusto ko ng tirahang kweba. Nagawa ko nang manatili sa kweba dati, magagawa ko ulit. Mas kampante ako kapag nasa kulob na lugar ako. Saan ba meron? Aha! Doon!"

Tinahak n'ya ang daan patungo sa gilid ng bundok na malapit lang din sa kastilyo.

Tahimik na ang lugar at halatang natutulog na ang mga nilalang. Patingkayad n'yang tinungo ang kinaroroonan ng bundok. Hindi s'ya maaaring lumikha ng ingay. Hindi s'ya mag-iingay kung ayaw n'yang magkaroon ng kalaban ng hindi pa nararating ang pakay.

"Ang tikbalang!"

Nakita n'yang papalapit sa kinaroroonan n'ya ang kaklaseng tikbalang matapos marinig ang mga yabag nito.

Nagtago s'ya sa malapit na puno upang hindi s'ya nito makita.

"Abre!" Sigaw ng tikbalang at kaagad na bumukas ang batong nasa gilid ng bundok.

"Eksakto! Ikaw pala ang may ari ah?"

Tumambad sa paningin ni Misty ang isang kwebang natabunan lamang ng malaking bato na nagsisilbing pintuan nito.

"Paano kaya mapapasaakin ang bahay mo, Tikbalang?"

Naupo si Misty sa damuhan at saglit na nag-isip ng dapat n'yang gawin.

"Aha! Alam ko na. Kagaya lang siguro ng nababasa ko sa mga story book o napapanood ko sa mga fantasy movie sa tv. Kailangan ko lang makuha ang gintong buhok sa kanya." Nakangising aniya.

Bahagyang naghintay si Misty. Kung hindi s'ya nagkakamali ay umuwi ang tikbalang upang magpahinga din saglit. Hihintayin n'ya munang mahimbing ito bago s'ya sumugod.

"Kailanman hindi ko gagawing pumatay para lang makuha ang gusto ko. Ang kailangan ko lang ay tamang stratehiya at kaunting diskarte. Kaya mo 'yan, Misty! Kakayanin mo 'to para sa mommy mo! Kakayanin mo lahat para makabalik sa mundo ng mga tao at maipagpapatuloy ang naiwan mong buhay."

Malalim na ang gabi ng simulang tahakin ni Misty ang harap ng kwebang may nakaharang na ulit na bato.

Kailangan n'yang makapasok ng walang ingay kaya naghanap s'ya ng maaaring mapasukan. Ngunit nalibot na n'ya ang paligid ng kweba pero wala. Walang ibang daan maliban sa malaking bato na nakaharang sa harap ng kweba.

Inilabas n'ya ang hunting knife na pabaon ni Cris sa kanya bilang pangself-defense. Humugot s'ya ng maraming hangin para patayin ang kabang unti-unting bumabalot sa systema n'ya.

"Hay! Loko ka kasi, Misty! Sana sa labanan ka nalang nagpakadakubhasa at hindi sa forensics."

Hinawakan n'ya ang malaking bato sa harap n'ya.

"Abre!" Panggagaya n'ya sa inusal ng tikbalang.

"Yes!" Napasuntok sa hangin si Misty ng lumangitngit ang malaking bato tanda ng pagbubukas ng pintuan ng kweba.

Patingkayad sana s'yang papasok ngunit napatalsik palabas ng may sumipa sa kanya mula sa loob. Napahiga s'ya sa damuhan.

"A...aray!" Napahawak si Misty sa tagilirang tinamaan ng sipa.

MisteryosaWhere stories live. Discover now